Cherreads

Chapter 2 - coping with the dream ...

According to Merriam-Webster, a dream is a series of thoughts, visions, or feelings that happen during sleep; an idea or vision that is created in your imagination and that is not real; O kaya naman, something that you have wanted very much to do, be, or have for a long time. While a dreamer—noun—is a person whose ideas and plans are not practical or based in reality; at saka a person who dreams while sleeping. I've always been a dreamer.

Hindi ko lubos maalala kung kailan nagsimulang matutuhan kong kontrolin ang aking mga panaginip. Bata pa lamang, nagagawa ko nang gumawa ng paraiso—ng ibang mundo—sa tuwing ako ay umiidlip o tuluyan mang natutulog. Sa mundong kaya kong kontrolin, posible ang lahat ng aking kagustuhan. Hanggang sa maranasan ko ang dalawang panaginip na iyon kagabi.

Wala ako sa huwisyong sumakay ng jeep papunta sa paaralan dala pa rin ang pagtataka dahil sa mga nangyari. Hindi ko na muli pang nagawang matulog matapos ang takot na aking nadama. Bakit hindi ko nagawang kontrolin ang lahat? Nagawa ko nang maglakad sa apoy at tubig, pigilin ang ulan, salagin ang isang espada, paliparin ang aking sarili, bumuhay ng mga bulaklak, kumausap ng mga hayop, at gumawa ng matibay na kalasag gamit ang hangin pero bakit hindi ko nagawa ang mga ito? Pagmulat ko pa lamang sa isang panaginip, nalalaman ko kaagad na akin ang mundong iyon ngunit bakit inakala kong ako ay gising na kahit dinala ko pa ang aking katawan sa aming kwarto habang ako ay nanaginip pa rin?

Bakit?

Pagpasok ko sa aming classroom ay agad akong sinalubong ng aking kaibigang si Renz. "Uy, anong nangyari sa'yo? May sakit ka, 'te?" bungad n'ya kaagad. "Wala naman. Napuyat lang," sagot ko. "Himala, ah. Ngayon ka lang ata napuyat. Ikaw yung kilala ko na susuungin ang lahat makatulog lang, e." Napangiti na lamang ako at dumiretso na sa aking upuan.

Isa si Renz sa mga kaibigan kong nagsasabi na mahirap para sa kanila na kontrolin ang kanilang panaginip. Noong una kong naitanong kung nagagawa ba nila ang kaya kong gawin, agad lamang silang umiling at sumagot na "hindi." Gusto kong sabihin sa kanya na kakaiba ang nangyari sa mga panaginip ko ngayon ngunit parang hindi ko kaya na magsabi kahit na kanino man ng personal. Kapag sinabi ko ang lahat gamit ang aking tinig, para ko na ring sinabing wala na ang aking talento sa paggawa ng mas magandang mundo. Hindi ko matanggap na hindi ko ito nagawa kagabi at mas lalong hindi ko matanggap na hindi ko nailigtas ang babae sa aking panaginip sa samantalang nakapagpa-panalo na ako ng isang maliit na hukbo ng mga rebelde sa isang digmaan dati.

Unti-unting nagsisi-ayos ang aming klase habang papalapit na ang oras para sa aming unang asignatura. Saktong mag alas-otso ay pumasok na ang aming propesor ng Pilosopiya sa silid at hindi na nangimi pa at nagsimula kaagad sa pagtuturo.

"Socrates is a Greek philosopher who mostly didn't leave any particular documents of his study but is famous for his Socratic method."

Nagsimula na sa pagtuturo si Prof. Ian at sinubukan kong makinig at kalimutan ang pagod na dala ng aking pagkapuyat.

"In one of his famous words he said, 'The only true wisdom is to know that you know nothing,' what does he mean by that?"

Maybe Aristotle is trying to tell us that the best way to show our intelligence is to accept the fact that we are creatures with limitations. Napakarami ng hindi natin alam at hinding hindi natin malalaman dahil limitado ang ating kapasidad. That is the truth and we have to accept it. We are flawed dahil tao lang …

- - - -

Nakaupo ako sa gilid ng hagdan papunta sa rooftop na parang may hinihintay. Panay ang tingin sa paligid. Sa daan paibaba at sa nakabukas na pinto sa itaas. Suot ko ang paborito kong puting sneakers at itim na jogging pants. Base sa aking pagkaka-alala ay naka-uniporme ako dahil Miyerkules pa lamang at bukas pa ang klase namin sa P.E. Nagkamali ba ako?

Agad akong napatayo at kaunting nagalak ng marinig ko ang unti-unting paglakas ng yabag ng paa na tila tumatakbo papataas. Nang masilayan ko na ang mukha ng aking hinihintay, narinig ko ang aking sariling tinig, "Jeremia!"

"Ric—"

- - - -

"—phire!"

Napa-igtad ako ng kaunti at daling umayos sa pagkakaupo ng marinig ang boses ni Renz na tinatawag ang aking pangalan. Binigyan n'ya ako ng pasimpleng senyas na ibaling ang aking tingin sa unahan at duon ko lamang napansin na tila naghihintay si Prof. Ian ng aking kasagutan. "Ms. Arce, what is Rene Descartes's philosophy?"

"I think therefore I am."

"Very good. Take your seat pero kung nais mo pang ipagpatuloy ang pagtulog ay maaari ka nang lumabas."

"I'm sorry, Sir. Hindi na po mauulit and I'll stay po."

Nakahinga na ako ng maluwag nang tumango na ng kaunti ang propesor saka ako muling naupo. Rinig ko naman ang ilang hagikhik nila Renz na sinabayan pa nila Diane, Marielle at Princess na iba pa naming kaibigan.

Hindi ko namalayan na naka-idlip ako kanina. Nadagdagan na naman ang aking inis sa sarili dahil hindi ko man lang nalaman na nagsimula na akong managinip. Hindi ko pa rin lubos mawari kung anong nangyayari sa aking kakayahan. Kasisimula pa lamang ng pagbabago pero hindi ko na ito matanggap.

Sumasakit na ang aking ulo sa kakulangan ng oras sa pagtulog at pagpilit sa aking sarili na makinig sa klase sa kabila ng aking pangamba dala ng aking kakaibang panaginip.

Pagkalipas lamang ng ilang minuto matapos akong mapagsabihan ni Prof. Ian ay hindi ko rin makayang manatili sa klase kaya minabuti kong umalis na lamang. Una akong nagpaalam sa aking mga kaibigan at bumulong na masakit ang aking ulo at kailangan kong magpahinga. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa pinto. Nang malapit na akong makalabas ay sumenyas ako kay Prof. Ian sa pamamagitan ng pag yuko at paghingi ng tawad at tumugon lamang s'yang muli sa pamamagitan ng pag-tango.

Mabilis akong naglakad palabas ng paaralan at agad na nagpara ng jeep para makasakay pauwi. Hinihiling kong sana'y hindi ako managinip kung ako'y makatulog man ng hindi sinasadya. Ngayon lamang ako natakot na matulog at managinip. Sumisikip ang aking dibdib sa pag-aalala at panghihinayang.

Naglagay na ako ng earphones at nagpatugtog ng mga classical music na likha ni Joe Hisaishi upang mapakalmang muli ang aking sarili. Hindi ko magawang pumikit na lagi kong ginagawa noon dahil sa takot na hindi ko muling makontrol ang aking panaginip. Huwag kang pipikit. Huwag kang pipikit. Huwag kang pipikit.

Nagising lamang ang aking diwa nang mapansing nakatitig ang tao sa aking harapan.

Ngayong araw ko lamang s'ya unang nakita. Kanina. Sa aking panaginip. Puno ako ng pagtatakang napatanong, "Jeremia?"

More Chapters