Translate into english with good wording
Chapter 16
"Ganap na Pananalig"
Sa pagpapatuloy, Hindi naging maganda ang takbo ng mga pangyayari dahil narin sa hindi pag payag ni Tayog sa kahilingan ng kabigan na makipag tulungan na lang sa magpatuloy sa mga dayuhan dahil doon ay nag patuloy ang kanilang labanan sa loob mismo ng gusali ng munisipyo.
Sa gitna ng labanan ay patuloy lang na umiilag si Erik sa bawat suntok ni Tayog na tila walang balak umaatake dito.
Dahil sa hindi parin naman nagbabago ang bilis ni Erik kahit na may ini-inda syang pinsala sa katawan ay madali para sa kanya na iwasan ang mabagal na kilos ng kalaban nya.
Sa mga oras na iyon ay pilit nya parin itong kinukumbinsi at pinakikiusapan habang umiiwas at pinapahinahon sa tila pagwawala ng kabigan.
"Paki usap Alfredo, hindi pa huli ang lahat basta magtiwala ka lang sa akin."
"TUMIGIL kA !!" Sigaw nito
Ayaw sukuan ni Erik ang pagkumbinsi sa kabigan kahit na buo ang loob nito ng paslangin sya ng kaibigan, wala na rin naman kasi syang pwedeng gawin dahil hindi tulad ni Tayog ay hindi nya intensyon na paslangin ang nag aamok na kabigan.
Muling tinamaan si Erik ng humabang braso ni Tayog at napasadsad sa pader ng isa sa mga kwarto.
Bumagsak sya sa lapag nito at dahil muli nyang nararamdaman ang pagdating ng atake ni Tayog ay nagmadali syang bumangon para muling iwasan ang dambuhalang kamao na tatama sa kanya.
Matagumpay nya man itong naiwasan ngunit sumubsob parin sya sa sahig dahil na rin sa pang hihina ng tuhod dulot ng pag atake kaninang natamo.
"Sige Erik gawin mo ang mga sinasabi mong pagbuo sa bagong bansa at mga nais makamtam na tahimik na bayan para sa lahat kung iyon talaga ang alam mong makakabuti sa bansa."
"Pero bago mo yun makuha ay kailangan mo muna akong patayin, kailangan mo muna akong pigilan na ubusin silang lahat!" Sambit ni Tayog.
Muling bumagon si Erik sa kinakaluhuran habang hingal na hingal dahil narin sa kapaguran.
Maliit lang ang tinataglay nyang enerhiya kumpara kay Tayog na nakakakuha ng mga power core sa mga miyembro ng siklaon at unting unti na rinitong naubus dahil narin sa pag protekta ng mga ito sa kanyang katawan.
"NAKAKAMALI KA, Hindi ako nandito para patayin ka, Ginusto kong makuhang kapanyarihan ng diwata at magpunta rito upang pigilan ka at iligtas ka sa iyong mga kasalanan." Sigaw ng binata.
"ILIGTAS? Tsk, bago mo ako iligtas eh subukan mo muntang iligtas ang sarili mo laban saakin." Sigaw nito habang Mulit umatake kay Erik.
Sa pagkakataon na iyon ay iniangat ni Erik ang mga pamaypay na hawak at binuksan ito. Wala syang ideya sa anong pwedeng maitulong nito pero nagbakasali syang may mangyari pwedeng makatulong sa kanyang sitwasyon.
Bilang isang sugo ay alam nya na dapat nagtataglay sya ng pambihirang kakayahan kagaya ng iba kaya naman umaasa syang magamit ito sa sandaling iyon.
Pumikit sya at pinakikiramdaman ang sarling enerhiya para utusan itong matulungan sya. "Paki usap, tulungan mo naman ako!" Sigaw nito.
Pero gaya ng dati ay walang lumabas sa kanyang enerhiya o ano mang kapanyarihan na pwedeng ipanglaban.
Dahil doon ay mulit syang nakatangap ng suntok at sumadsad sa sahig. Patuloy syang binibigo ng kapanyarihan na binigay sa kanya ni Ada Sid-Alwa na iniisip nyang makakutulong sa kanya at bago pa sya muling makatayo ay tumalon na si Tayog mula sa kinatatayuan nito at walang awang inapakan sya sa kanyang hinihigaan.
"AHHHH!!!" Sigaw ni Erik.
Lalo syang bumaon sa tipak ng mga bato na nadurog sa sahig dahil sa impact ng pabagsak ng malaking paa ni Tayog.
Tuluyan syang hindi makakilos habang patuloy na tinatapakan ni Tayog na halos tumitimbang ng isang daang kilo at Pinipisat hanggang sa sumuko ito.
"ang isang bayani ay nakahandang mamatay para kanilang paniniwala kaya naman dapat mamatay ka ngayon munting bayani!!" Sigaw nito habang pinipisat si Erik.
Nagtutunugan ang mga buto ni Erik na kasalukuyang nababali kasabay ang paghiyaw nya dahil sa nararamdamang sakit.
"Paki usap Alfredo, Mali ang mga paraan mo para makamit ang hustisya, Hindi ka na nagiging makatwiran" Sambit ni Erik habang patuloy na tinis ang pag kakatapak sa kanyang katawan.
Lalong nagalit si Tayog sa mga naring kaya imbis na pakawalan ito ay lalo pa itong idiniin sa lupa hanggang sa madurog ito ng dambuhalang paa nya.
"Sino ang makakapagsasabi kong ano ang tama o mali na paraan sa paninigil ng kabayaran sa mga kasalanan? Hindi kasalanan ang maghanap at magkamit ng hustisya, isa itong karapatan." Sigaw nito.
Alam ni Erik na wala na syang pwedeng sabihin dito para mapabago pa ang isip ng kaibigan at hindi nya na alam kung ano pang pwedeng gawin para kay alfredo.
Nauubusan na nang patitiwala si Erik sa sarili bilang tagapagligtas at sa kaibigan na magbabago pa ito ng isip.
"Unti unting nanghihina ito at bumibigay ang katawan hanggang sa tuluyan na syang mapapikit.
"Hindi ko na kaya, hindi ko sya kayang iligtas... Siguro nga wala akong kayang iligtas na kahit na sino... Wala kahit isa." Sa isip ni Erik.
Tuluyan ng nawalan sya ng pag asa sa kanyang sitwasyon kinasasadlakan at napipikit na lang sa kanyang hinihigaan.
"Napapagod na ako, hindi na kaya ng katawan ko, hindi ko na maramdaman ang mga kamay ko dahil sa panghihina nito. Sa huli bale wala ang lahat ng ginagawa ko gayong walang kahit isa ang naniniwala saakin. Tama, siguro nga kailangan ko na lang sumuko at hayaan ang lahat." Dagdag nito.
Bumitaw ang kanyang mga kamay sa pagkakahawak sa paa ni Tayog na kanina pumipigil dito at biglang nanamlay ang mga ito hanggang sa tuluyang bumagsak sa lupa.
Gayunpaman kahit na burmitaw na ito ay hindi parin sya tinitigilan ni tayog na tapakan sa sahig hanggang sa hindi nya ito nalalagutan ng hininga.
"AYOKO NA" bulong ng binata sa isip nya.
Unti unting sumagi sa isip ni Erik ang mga larawan ng mga taong malapit sa kanya habang napapalaam sa mga ito at humihingi ng tawad sa kanyang pag suko sa buhay.
Sa pagkakataon na iyon ay tuluyang nawalan ng malay si Erik at ngayon ay napunta sa isang madilim na lugar kung saan sya lumulutang.
Hindi malinaw sa kanyang isip kung isa ba itong panaginip o isang lugar kung saan nagtutungo ang mga namatay dahil ang alam nya lang sa sarili ay namatay na sya sa mga oras na iyon.
Sa gitna ng kanyang pagkakatulog at pagsuko nito na magpatuloy sa pakikipaglaban ay may boses na biglang sumigaw.
"Tumayo ka dyan !!! hindi ka pwedeng sumuko !!" Sigaw ng isang batang babae.
Paulit ulit na umeeko ang mga boses na iyon sa tenga ni Erik habang ito ay nakapikit.
umabot ang boses nito hangang sa isang madilim na lugar sa tila panaginip nya kung saan sya ngayon nakalutang at walang kabuhay buhay ang mga mata.
Hindi nya alam kung kanino ito at saan nagmumula ang tinig pero alam nya sa sarili nya na humihingi ito ng tulong sa kanya..
Isang taong kailangan ng kanyang tulong bilang bayani nya.
Ang sigaw na ito ay nag mula sa isang munting bata na isa sa mga naroon sa gusali ng munisipyo.
Matapang itong nakatayo kasama ng misteryosang babaeng nakasama ni Erik sa Kampo na ngayon ay naka upo sa tabi nig batang babae na tila may binubulong sa paslit
"Hindi ka pwedeng sumuko, Ang sabi mo ililigtas mo kami ? kaya hindi ka pwedeng basta sumuko !! " Sigaw nito.
Patuloy man itong naririnig ni Erik at gustong tugunin ang paki usap nito ay tila impusible na dahil halos hindi nya na maikilos ang katawan nya o kahit ang maidilat ang kanyang mga mata ay napakahirap na para sa sitwasyon nya.
Dahil hindi naman nakikita ni Tayog ang misteryosang babae ay nagtataka ito kung paano nagagawa ng halos anim na taong gulang na bata ang tumayo sa harapan nila na hindi man lang natatakot.
"Hoy bata ! Iniisip mo bang may magliligtas pa sainyo? Kahit ang Diyos ay hindi kayo maililigtas sa nakatakda nyong kamatayan." Pananakot nito sa bata.
Mali ka !! hindi nya kami pababayaan, ililigtas nya kami !!" Sigaw nito kay Tayog.
Tuluyang nairita si Tayog sa batang iyon at inamba ang kanang braso para suntukin ang bata upang patahimikin sa kakahiyaw nito sa kanya.
Hindi na nagagawang mag isip pa nang tama ni Tayog dahil sa mga nangyayari kaya wala na itong paki elam kung sino ang madadamay na tao sa mga ginagawa nya,
kahit pa ito ay isang musmos na bata.
"Mamatay ka !!! "
Sa sandaling iyon ay biglang humiyaw si Erik na nagpatigil sa balak gawin ni Tayog
" Itigil mo yan, TAYOOGGG!!!" Biglang sigaw ni Erik.
Nagulat sya ng muling kumapit si Erik sa dambuhalang paa nya at Unting unti naiaangat ito.
Hindi sya makapaniwala na may natitira pang lakas ito para lumaban pa na kanina lang ay hindi na gumagalaw sa kinahihigaan.
Wala ng enerhiya sa katawan si Erik na natitira at napakahina na ng presensya para mag patuloy pa kaya ganun na lang ang pagkabigla ni Tayog at patuloy na nagtataka sa mga kinikilos ng kaibigan.
Patuloy na nagagawang maiangat ni Erik ang paa ni Tayog gamit ang pisikal na lakas nito.
"Imposible, papaanong ? "
"wala na syang enerhiya kaya paanong nya akong nagagawang mapigilan, impossibleng gamit lang ang pisikal nyang lakas ay nabubuhat nya ang mga paa ko." Sa Isip nito.
Sa mga paningin naman ni Erik ay napapalibutan sya ng asul na enerhiya. Mga enerhiya na nagbibigay sa kanya ng lakas para maiangat ang dambuhalang paa ni Tayog. Maging sya ay nagtataka kung saan ito nang gagaling pero alam nya na wala syang oras para mag isip pa
"Anong nangyayari sa katawan ko? Napakainit na halos nagpapagising sa mga laman at dugo ko, pakiramdam ko may kakaibang bagay ang nagbibigay saakin ng lakas. Tama, hindi ko alam kong ano ito pero...
Dahil dito pwede ko silang iligtas." Bulong sa Isip ni Erik
"YaaaaahhHH!!!" Sigaw ni Erik.
"Paki usap iligtas mo kamiiill !! " Sigaw ng batang babae.
Kasabay ng pagsigaw nito ay ang Unti unting pagbangon ni Erik mula sa pagkakahiga. Dahil sa pagdami pa ng asul na awra sa kanyang paligid na pumapasok ngayon sa katawan nya ay muli itong nakakakuha ng karagdagang lakas.
Doon ay tuluyang nyang naitukod ang mga binti nya hanggang sa makakuha ng pwersa para itulak ang dambuhalang paa ng kalaban.
"Ano bang klaseng nilalang ka, Bakit ayaw mo pang sumuko at mamatay na lang." Sigaw ni tayog.
Hindi pumayag si Tayog na magpadaig dito at lalong pwersahang ibinabaon si Erik sa lupa.
"Hindi mangyayari yan..... nangako ako..... sa aking diwata na hindi ako mamamatay dito. " pautal utal na sambit ni Erik habang nahihirapan.
"Hanggat may mga taong kinakailangan ng tulong ko ay hindi ako pwedeng mamatay, ako ang magiging liwanag nila. "
Nanatiling matatag si Erik habang nilalabanan ang pwersa at bigat ng pagkakatapak sa kanya ngunit gayumpaman ay mas nangingibabaw ang enerhiya na bumabalot kay Tayog lalo pa nung muling nagliparan ang mga patalim at tumusok sa katawan nya upang humigop pa ng enerhiya.
"'Hangal ka Erik! Bakit hindi mo tanggapin na Hindi na magbabago ang bansang ito gamit ang matatamis na salita at sa magandang paraan.
Ang kailangan sa bansang ito ay isang pag kawasak at pag ubos sa mga dyablong naninirahan dito."
"at para malinaw sayo na Seryoso ako, si simulan ko ito sa batang yun"
Tumingin si Tayog sa batang babae na naka tayo sa harap nila na ngayon ay nasisindak sa takot.
Alam ni Erik na may balak na masama ni Tayog laban sa bata at kahit gustuhin man nya na kumilos at unahan si Tayog sa gagawin nito ay hindi nya magawang makakilos pa.
Dahil sa pagkasindak ng batang babae ay napalakad ito paatras pero gayumpaman dahil sa pagtitiwala nito kay Erik bilang kanyang Bayani ay tumigil sya sa pag hakbang patras at matapang na sumigaw.
"Hindi, hindi ako natatakot sayo, naniniwala akong ililigtas ako ng aking Bayani.
Nananalig ako sa Bayani ng si Ifugao!!" Sumigaw ito habang nakapikit na halos umeko sa buong gusali.
Dahil sa narinig ni Tayog sa isang kastilang batang babae ay lalo itong napuno ng galit lalo pa humihingi ito ng tulong sa isang pilipinong inaalipusta nila.
"Tsk, Nakakasuka ka! Pagkatapos nyong yurakan ang aming pagkatao ay hinihingi nyo ang tulong ng isang pilipino at itinuturing na Bayani nyo.
Mabuti pa tapusin na kitang batang dyablo!" Sigaw ni tayog.
Hindi na nag dalawang isip pa si Tayog sa gagawin nya at umamba ng suntok gamit ang humahabang braso upang umatake sa paslit.
Pero bago pa humaba ang braso nya ay biglaang may presensyang nagpatigil sa pag kilos ni Tayog.
parang apoy na bilang sumiklab ang asul na enerhiya sa kanyang paahan kung nasaan si erik.
"Anong presensya ito?"
Nagdasal ang bata habang nakapikit at muling sumigaw "Paki usap iligtas mo kami Ifugao!!!"
"Wag kang mag alala, Dahil ililigtas kita!!! " Sigaw nito habang matagumpay na naitulak ang katungali.
Napatalsik si Tayog sa kabila ng bigat nito na halos 300 kilos at dumaosdos palabas ng gusaling iyon.
Nagulat ang lahat sa nangyaring pagbaliktad ng sitwasyon sa mga sandaling iyon at kahit mismong si Erik ay nabibigla sa tinataglay nyang asul na enerhiya na bumabalot sa katawan nya.
Dito ay sinundan nya ng tingin ang tila manipis na usok sa paligid nya, isang nakalinyang enerhiya na nagdudugtong mula sa kanya hanggang sa pinang gagalingan nito.
Dito nya makikita na ang batang babaeng humihingi ng tulong sa kanya ay ang pinagmumulan ng asul na enerhiyang pumapasok sa katawan nya.
Wala syang ideya sa mga nangyayari at kung bakit may tinataglay na asul na enerhiya ang batang babaeng ito gayung mukha lang itong normal na bata.
Sa sandaling yun ay napansin nya na katabi nito. ang misteryosang babae na nakatingin sa kanya habang nakangiti.
Naisip nya na tinulungan sya muli nito pero agad syang napaisip na tila kampante ito kagaya ng dati at walang bakas ng takot ang mukha nito na tila walang inaalala sa paligid nya kahit na nanganganib ang lahat ng tao sa mga oras na iyon.
Subo subo nito ang isang lolipop na galing sa bata at kalmadong kinakamusta si Erik
"Teka anong nangyayari?"
"Iyan ang " Mighty Faith" ang kapangyarihan ng diwatang si Ada Sid-Alwa." Sambit ng Babaeng ito.
"Ang kapangyarihan ng diwata ng Ifugao ay hindi ginagamit upang makipaglaban para sa sariling kapakanan. kundi upang promutekta." Dagdag nito
"Ang espesyal na katangian ng diwata ay makakuha ng lakas at enerhiya sa mga taong naniniwala sa kanya, iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon ka ng karagdagang lakas galing sa batang ito."
"Hangat may nagtitiwala sayo at kinikilala ka nila bilang tagapagligtas nila ay magbibigay sila ng positibong enerhiya ng pananalig kasabay nun hanggat may prinuprotektahan ka ay magagawa mong mahigop ang enerhiyang iyon " Dagdag nito.
Tinitignan nya ang mga kamay nya at nakakaramdam ng kaginhawaan sa mga butong nabali sa katawan, laking gulat nya na gumaling agad ang pinsala nya.
ilang sandali pa ay biglang naputol ang enerhiya na ito mula sa bata at huminto ang pagbibigay nito kay erik ng asul na enerhiya.
Dahil doon ay ipinaliwanag sa kanya na may limitasyon ang pag kuha nya ng enerhiya at magagawa lang sa loob ng isang minuto. Ang positibong enerhiya na iyon ay mula sa pananalig ng bata sa kanya na sapat lang para maibato nya si Tayog.
"Tatapatin na kita bata, hanggat nakakakuha sya ng enerhiya sa mga punyal ay hindi ka mananalo sa kanya sa laban."
Muli syang binigyan nito ng payo na kung magtatagumpay syang mapapayag ang mga taong naroon na ituring syang maging bayani nila ay maaari syang makakuha ng enerhiya ng pananalig na sasapat para magtatagumpay na matalo sa laban si Tayog.
Dahil sa mga narinig ay nabigyan sya ng lakas ng loob at bagong pag asa na muling lumaban pero bigla rin syang nagduda sa kanyang tagumpay dahil bago yun mangyari ay kailangan nyang makaisip kung paano gagawin ang kondisyon ng Mighty Faith gayung mga kastila ang mga naroon sa loob ng gusali na halatang ayaw sa tulad nyang pilipino.
"Mapalad ka parin batang Sugo, galingan mo na dahil baka ito na ang huli mong pag kakataon para mailigtas ang kaibigan mo "
Muling bumangon si Tayog mula sa kinahihigaan at muling na naglalabas ng Awra sa katawan. Napansin nya na iilan na lang na punyal ang nakukuha nya sa paligid at tumatama sa katawan nya para pagkunan pa ng enerhiya kaya alam nya na kailangan nya ng magmadaling tapusin ang laban nila para maisakatuparan ang pag aaklas.
"Hindi ko alam kung paano mo yun ginawa pero siguro talagang espesyal ka lang munti kong kaibigan, nakakapanghinayang lang dahil kailangan mong mamatay " Sambit ni Tayog
Matapang na humakbang si Erik palapit dito at itinaas ang mga kamay nya na tila humaharang kay tayog. Dito ay muli nyang pinilit ang paninindigan nya na maging bayani para sa lahat at protektahan ang mga tao na nasa loob ng gusali.
Hindi naman natinag si Tayog sa mga sinasabi nito at patuloy na humakbang palapit kay Erik habang hinahamon ito na patunayan nya kung may magagawa sya para mailigtas ang mga tao sa gitna ng kanyang kahinaan.
Humarap sya bigla sa mga tao at muling tumalikod kay Tayog habang ito ay palapit.
" Kayong mga nandito ngayon, tatanungin ko kayo kung handa na ba kayong mamatay?
Gusto kong malaman kung may saysay pa ang pakikipaglaban ko para ipagtagol kayo at protektahan laban sa kanya !!" Sigaw nya sa mga ito.
Natahimik ang lugar at walang maisagot ang mga naroon dahil na rin sa kawalan ng tiwala kay Erik dahil kahit sa paano titignan ay walang binatbat at mahina kumpara sa halimaw na si Tayog.
"Kung gusto nyo pang mabuhay at makaligtas ay pagkatiwalaan nyo ako, hayaan nyo akong iligtas ko kayo bilang bayani nyo."
"Kaya tatanungin ko kayo ngayon. Mananalig ba kayo saakin?"
Hindi malaman ng mga tao ang magiging reasyon nila sa mga naririnig nila kay Erik, Alam nila na isa itong pilipino pero base sa mga narinig nila ay hindi ito kalaban ng espanya at ang tanging nais ay ang protektahan sila
Sa gitna ng pananahimik ng mga tao sa boung lugar na iyon ay biglang sumabat si Tayog para maliitin ito.
" Bale wala ang gingawa mo dahil kahit magtiwala sila sayo ay hindi nun mababago ang kapalaran nila, Mamamatay parin sila."
Humarap si Erik sa kanya habang nakayuko ito at nanindigan na hindi sya makakapayag na mangyari ang sinasabi ni Tayog sa kanila.
"Sabihin mo nga saakin bakit ba tinutulungan mo ang mga demonyong yan?
Hindi mo kailangan gawin ito sa kanila at kung naghahanap ka ng ibang taong tutulungan ay marami pa sa ibang lugar. daan daan,libo libo. Mali, milyon milyong tao ang pwede mong masagip sa oras na lisanin mo ang syudad na ito at hayaan akong gawin ang ginagawa ko." Sambit ni Tayog.
Nanatiling walang kibo si Erik habang patuloy na tinatangay ang kanyang buhok ng hangin dahil narin sa pagpapakawala ng matinding awra ni Tayog.
"Yun ay dahil sayo," Sambit ni erik habang naka yuko na puno ng kalungkutan..
" Ipipilit mo parin ba na ginagawa mo ito dahil gusto mo akong iligtas ? Hahaha iligtas ang isang taong nais kang patayin ?
Hindi kaya isa yung kalokohan?" Sambit ni Tayog.
Dahil sa narinig ay galit na Sumigaw si Erik dito. "Kalokohan man o hindi ay desidido na akong gawin ito. " Matapang na sambit nito.
Dito ay itinaas nya ang ulo nya at nanlilisik ang mga mata, Puno sya ng lakas ng loob at determinasyon na panindigan ang gustong gawin hanggang sa huli.
Napahinto si Tayog sa paglalakad ng makita ang pagiging determinado ni Erik sa mga paniniwala nito kaya naman lalo syang nakaramdam ng pag kainis sa kaibigan.
Alam nya sa sarili na seryoso si Erik na iligtas sya pero hindi nya kayang tanggapin ang mga gusto nito dahil sa taliwas ito sa ginagawa nya at desperado na syang maganap ang gusto nyang mangyari
Hindi umaasa si Tayog na maiintindihan sya ni Erik kaya wala na syang ibang maisip na paraan para matapos ito kundi ang kamatayan ng kaibigan..
"Pwede ba itigil mo yan!! " Sigaw nito.
"Hindi ko kailangan nang magliligtas saakin !!! " Bumulusok sya palusob at Umamba ng suntok.
Sa pagkakataon na iyon habang umaatake si Tayog ay itinaas ni Erik ang pamaypay na hawak.
Sa muli nyang pagtaas nito ay unting unti itong nagliwanag at nagbago ng anyo bilang espada.
Isa itong pulang espada na may asul na baril na nakadikit mismo dito. May desenyo itong isang Araw at may tatlong nagliliwanag na bituwin sa gilid nito.
"Yahhh !!! "
Sa pag kakataon na iyon nabalot sa asul na enerhiya si Erik at unti unting pumapasok sa kanyang katawan.
Ang enerhiyang ito ay nag mula sa kanyang likod na kung susundan ang mga linya kung saan ito nangmumula ay makikita ang mga taong nakapikit na nananalangin para sa kanyang tagumpay.
Ang mga taong ito ay bumubulong para sa ikakatagumpay ng binata at nagtitiwala na maililigtas sila ng kanilang bayani laban sa halimaw na si Tayog.
Nag umapaw ang enerhiya nya habang nakaporma ng pag atake sa kinatatayuan.
May kung anong mga linya na parang tattoo naman ang gumuguhit sa katawan ni Erik na lalong nagpapainit sa katawan nya.
Nang makaramdam ng nag uumapaw na lakas ay bumwebwelo sya hawak ang pulang espada na may nag liliwanag na talim.
Tila hangin ang mga enerhiyang pumapaikot sa paligid nya na humahawi sa kanyang mga puting buhok at nag papaangat sa patadyong na suot nito.
"Nararamdaman ko ang lakas nila. Nag uumapaw na enerhiya mula sa mga taong nananalig saakin, Napakagaan sa pakiramdam nito na tila kaya kong gawin ang lahat " Sa isip nito.
Dinilat nya ang mga mata nya at ngumiti dahil sa positibong nararamdaman " Hindi ko kayo bibiguin sa pananalig saakin, Ililigtas ko kayo kahit anong mangyari !!"
Sa sandaling iyon ay tumalon sya at sinabayan ang pag atake ni Tayog.
Buong pwersa nyang inihampas ang hawak nyang espada sa pasalpok na kamao sa harap nya.
"Faith Slash !!! "
Isang mapamuksang enerhiya ang nilabas ng espada at sumira sa mga bagay bagay na madaanan nito. Nabalot sa liwanag ang lahat at biglang may pwersang nagpatalsik sa kanila mula sa salpukan.
Sa sobrang lakas ng impact ay nagliparan ang mga naroon dahil sa pagsabog na iyon.
Gumawa ito ng pasabog na tila isang malakas na granada na sumira sa lugar.
Maging si Erik ay nagulat sa kanyang nagawa at nananatiling namamangha hawak parin ang espada.
Sa sandaling yun ay muli nyang pinagmanasdan ang mga bahagi ng espadang hawak nya, mula sa korteng baril hanggang sa mga talim ng espada na parte nito.
"Napakalakas, pambihira ang bagay na ito. "Pagkamangha nito.
Unting unti nahawi ang usok na ginawa ng pagsabog at natanaw ang pagkasira ng paligid, maswerte naman ang mga kwarto sa kanyang likuran at walang masyadong nasira o natamaan sa mga nagtatagong tao sa loob ng gusali.
Wala naman syang ideya sa kung ano na ang nangyari sa kaibigan pagkatapos na nangyaring pag atake.
Habang tumitingin sa paligi ay biglang napagtanto na maaaring napahamak ang kaibigan dahil sa mapaminsalang liwanag na inilabas ng espada.
Agad syang nagpanik na baka napinsalaan ng malubha si tayog at dali daling hinanap ito sa labas ng gusali. Sinundan nya ang hukay na nagawa ng kanyang pag tira na nagmula sa loob ng gusali hanggang labas nito na may lalim na apat na talampakan
Sa kanyang paglabas ay makikita nya ang mga maliliit na bahagi ng higanteng katawan ni Tayog na nagkapira-piraso na tila mga panggatong na kahoy.
Ilang metro lang ang layo mula sa mga ito ay makikita ang nakaluhod na lalaki sa ibabaw ng nagkukumpulang piraso ng kahoy.
Sa gitna nun ay makikita nya si Tayog na hingal na hingal habang nakahawak sa balikat ang kaliwang mga kamay nito.
Napahinto sa paglalakad at napalunok na lang si Erik dagil sa pagkabigla ng makita ang kalunos lunos na itsura ng kaibigan pagkatapos ng pag atake nya.
Napupuno ito ng dugo sa katawan dahil sa mga sugat at nawawala ang kanang braso nito na nalusaw ng kanyang pag atake.
Hindi lubos mapaniwalaan ni Erik na ganun kalaki ang pinsalang matatangap ng kaibigan sa ginawa nyang pag atake.
Natulala na lang sya habang napagtanto sa sarili na muntik nya ng mapatay ang taong dapat ililigtas nya.
"Alfredo ? Hindi maaari."
~End of Chapter.
