Cherreads

Chapter 4 - Chapter 3. "Expanses"

Chapter 3. "Expanses"

"In a moment, in the twinkling of an eye, at the last trumpet. For the trumpet will sound, and the dead will be raised imperishable, and we shall be changed."

1 Corinthians 15:52

Day 1

Date: December 16, 2030

Time: 11:48 PM

Place: Gateway Mall

 "We have to go, Krisa." Yaya sa akin ni Froilan. Nakalumpasay ako rito sa sahig sa may mall matapos kong panain sa ulo si Aliyah.s

 Nakatingin lang ako sa bangkay ni Aliyah at hindi mabura sa isip ko ang nangyari kani-kanina lang.

 "Help...me..." Nanlalaki ang mga mata ko habang nangingilid ang luha ko na nakatingin kay Aliyah. Duguan ang kanang braso niya habang nakahawak dito ang kaliwang kamay niya. This can't be! Aliyah!

 "Aliyah..." sambit ko sa pangalan niya nang bigla siyang sumuka ng madaming dugo. "Aliyah!" sigaw ko at akmang lalapit sa kanya nang pigilan ako ni Froilan.

 "Krisa, no!"

 Muling tumingin si Aliyah sa amin. Kita ko ang paninilaw at pagbabago ng kulay ng kanyang mga mata. Naglalabasan din ang kanyang mga ugat sa mukha. Hindi na napigilang tumulo ng luha ko habang nakikita ang pagbabago ni Aliyah. Muli siyang sumuka ng madaming dugo at sumigaw ng malakas. Naririnig ko rin ang pagbabali-bali ng kanyang buto hanggang sa hindi na siya gumagalaw.

 "Aliyah..." humihikbing tawag ko sa kanya.

 "She dead, Krisa." Sabi ni Froilan. Pareho naming nakita na biglang gumalaw ang dibdib ni Aliyah. Hanggang sa dahan-dahan itong tumayo. Nakita kong tinutok ni Froilan ang baril niya kay Aliyah.

 "Froilan, no...not the gun." Sabi ko sa kanya at saka kumuha ng isang arrow sa likod ko at nilagay sa bow ko.

 Tinutok ko ito kay Aliyah nang bigla siyang sumigaw at mabilis na tumakbo papunta sa amin at doon ay pinakawalan ko ang pana ko na saktong tumama sa ulo ni Aliyah. Napaupo ako at nanghina dahil sa ginawa ko.

 "Krisa!" nagising ako sa pagkatulala ko nang tawagin ako ni Froilan. "Come on, let's go."

 "Sandali lang." sabi ko sa kanya at saka tumayo. Lumapit ako kay Aliyah at malungkot na tiningnan ang bangkay niya. She died on her birthday. Napatingin naman sa loob ng record store at doon ko nakita ang isang zombie na nakahandusay sa sahig at wasak ang ulo. Nakita ko rin ang martilyo ni Aliyah sa tabi ng zombie katabi rin noon ang isang record album. Muli kong binalik ang tingin sa bangkay ni Aliyah at kasabay noon ang pagpatak ng luha ko. "She fought until the very end."

 Naglakad ako papunta palapit sa zombie na umatake kay Aliyah at dinampot ang record album saka naglakad pabalik sa bangkay ni Aliyah at nilapag sa dibdib niya ang record album ng isang sikat na singer.

 "Alam kong gusto mo ito." Sabi ko.

 "Krisa, we have to go they're coming." Napatingin naman ako sa kung saan nakatingin si Froilan at doon ay nakita ko ang mga zombie, mga nasa sampu ang mga ito. Mabilis akong lumapit kay Froilan at sabay kaming tumakbo palabas ng mall.

 Pagdating namin sa ground palabas sa may pinto ng mall ay nagulat kami dahil madami ang zombie ang papasok galing sa labas. Nagtago kami sa likod ng customer desk. Nagkatinginan kami ni Froilan na bakas din sa mukha ang gulat at pagtataka.

 "Hindi pala natin dapat iniwan na bukas ang pinto." Aniya.

 "They're too many, Froilan, what should we do?" tanong ko sa kanya. Tahimik lang si Froilan habang nakatingin sa malayo. "Froilan..." tawag ko sa kanya nang tumingin siya sa akin at ngumiti.

 "You have to live, Krisa." Aniya na pinagtaka ko.

 "What are you saying?" taranta kong tanong sa kanya, hindi ako maaaring magkamali sa binabalak niya.

 "We have no choice, K." sabi niya't hinawakan ang balikat ko. Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko habang ramdam ko ang palad niya sa balikat ko.

 "No...wag Froilan...." Naiiyak kong sabi sa kanya.

 "I'll face them, when I got their attention at kapag konti na lang ang zombie sa pinto, that is your chance to leave. You got it?" he explained. "Come on, Krisa."

 "Yes, I got it..." umiiyak kong sabi. "But I don't want you to do it." Sabi ko't tiningnan ang mukha niya. He smiled at me and touch my cheeks, wiping my tears off.

 "Just promise me, that you will live." Aniya at saka tumayo. "Come and get me!" sigaw niya at saka paputok ng baril niya at tumakbo palayo. Hinabol naman siya ng mga zombie. Sinundan ko pa siya ng tingin habang tumatakbo at hinahabol ng mag zombie.

 Humahagulgol man ay tumayo na rin ako at tiningnan ang pinto ng mall. Wala na ang mga zombies. Dali-dali akong lumabas ng mall pero paglabas ko ay may paparating pang zombies. Rinig ko ang pagputok ng baril mula sa loob ng mall. Froilan is fighting and he sacrifice his life for me.

 "I need to live!" sigaw ko't kinuha ang baril ko at saka tumakbo palayo sa mall. May mga nakakasalubong akong zombies at binabaril ko ang mga ito. Hindi pa rin humihinto ang luha ko. Hanggang sa mapasandal ako sa isang pader at nagtago. Hingal na hingal ako't humahagulgol pa rin sa pag-iyak. Sumilip ako sa pasilyo at papunta na sa gawing ito ang mga zombie. Tiningnan ko ang magazine ng baril ko at iisa na lang ito.

 "I need to live..." umiiyak kong sabi saka tinutok sa sintido ko ang baril ko. Malalim akong huminga at pumikit hanggang sa...

 Makarining ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Napadilat ako at nakita ko ang isang army vehicle. Mayroong isang lalaking nasa butas sa taas ng army vehicle at binabaril ang mga zombie.

 "Chaster, get the girl!" sigaw ng isang babae sa isang lalaki. Lumapit naman sa akin ang isang lalaki, maputi siya at matangkad. Ngumiti siya sa akin.

 "You're safe now..." rinig kong sabi niya at saka hinawakan ang kamay ko at hinila papasok ng army vehicle.

 "Let's go!" sigaw niya pagpasok namin sa loob ng sasakyan saka ito humarurot.

 Tiningnan ko ang mga tao sa loob ng sasakyan. There's the driver, sa tabi niya at may isang lalaki. Katabi ko naman ang lalaki na nagpasok sa akin sa loob at sa likod namin ang isang babae, nakaputing sando ito at nakashade habang ngumunguya ng gum. Sino sila?

 Tiningnan ko ang lalaking katabi ko. "Sino kayo?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

 "We are the seven deadly sins." Sagot niya. I don't know who are they or who are seven deadly sins? Are they some kind of gang?

 "Gangsters?" Wala sa isip kong nasabi. Bigla namang humagalpak ng tawa ang lalaki sa harap katabi ng driver.

 "I told you, Chaste mukha kang gangster!" pang-aasar niya.

 "Saan ba tayo pupunta, Chaste? Miss taga-saan ka ba?" tanong ng driver sa akin. Sumagot naman ako sa tanong niya at sinabi ang pangalan ng village namin.

 "Ano naman ang ginagawa niyo sa mall, Miss?" tanong naman ng babae sa likod namin. Natahimik ako sandali.

 "Kumuha kami ng supplies." Sagot ko. Tumango-tango ang babae.

 "Well, sabagay but you didn't know that that mall is the base?" sabi ng babae na pinagtaka ko.

 "Base?" nagtatakang sabi ko.

 "Bahay ng mga zombies." Biglang singit naman ng lalaki sa tabi ko at masayang ngumiti sa akin. "You almost kill yourself, sayang ang ganda mo, Miss." May malanding sabi niya.

 "Here we are again with the player!" sigaw ng babae sa lalaking katabi ko.

 "Wait, Miss sabi mo 'Kami' so may kasama ka sa mall kanina?" tanong ulit ng babae. Natulala ako sa sinabi niya at nangilid ulit ang luha.

 "Pwede ba tayong bumalik? Nandoon pa 'yong kaibigan ko." Umiiyak kong hiling sa kanila. Natahimik silang apat at nakatingin lang sa akin.

 "Chaste?" tawag ng lalaking nagda-drive sa lalaking katabi ko.

 "No, keep driving...we're not going back."

 Parang nagpanting ang tainga ko sa narinig kong sinabi ng lalaking katabi ko. Mabilis ang paghinga ko't patuloy na umiyak.

 "First rule: Know what will be the risk of your decisions." Sabi ng lalaki kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko namang tumango-tango ang mga kasama niya.

 Sino ba sila? And this guy? Who is he? Why does he look like he is the leader?

 "Chaste, ito na ang balita." Tawag sa lalaking katabi ko ng lalaki katabi ng driver. Inabot nito ang phone niya sa lalaking katabi ko.

 This is a strict announcement to the people of Luzon. We will give 10 days to all the survivors from Luzon to travel to Clark, Pampanga for the rescue. Lahat ng marerescue ay dadalhin sa Cebu. Upon entering the airport, there will check up and tests. You will also be quarantined for days for observation then you will be migrated in Cebu. In 15 days, we will bomb the entire Luzon except Palawan and Mindoro. Your days, starts today.

 Natulala ako sa narinig ko sa balita. Maging ang mga kasama ko sa loob ng sasakyan ay natahimik at hindi makapaniwala sa narinig niya.

 "Fuck you! Government!" Sigaw ng lalaking katabi ng driver. Tiningnan ko ang lalaking katabi ko. Ang masayang ngiti sa mukha niya kanina ay nawala at naging seryoso.

 "Kung kasama ang araw ngayon, we only have 9 days left?" The girl at the back concluded.

 "No, it's actually fourteen days, kasama ang quarantine days." Sabi naman ng lalaki sa tabi ko.

 "But I don't think kasama ang 5 days sa counting for accepting survivors sa airport." Sabi ko sa kanila kaya napatingin sila sa akin.

 "How do you say so?" seryosong tanong ng lalaki.

 Huminga ako ng malalim. "Ang bilang ng eroplano, it is still a first come, first serve basis."

 Natahimik sila sa sinabi ko. "She's right, Chaste." Sabi ng driver. "Matalino pala ang bebe mo eh."

 Nagkatinginan kami ng lalaking katabi ko. Nakangiti na siya ngayon at nakatingin sa akin. Naiilang naman ako sa ngiti niya, para siyang aso.

Day 1

Date: December 16, 2030

Time: 1:18PM

Place: Quezon City

 Bumaba na ako ng sasakyan nila at lumapit na sa gate ng village namin. Binuksan na ng mga guards ang gate at papasok na sana ako nang tawagin ako ng lalaking katabi ko kanina. Nasa butas siya sa taas ng army vehicle.

 "Your name?" masayang tanong niya. Salubong ang kilay ko siyang tiningnan.

 "Krisa..." sabi ko nakita ko namang tumango-tango siya.

 "Chaster, you can call me Chaste and oh here!" sabi niya saka pinalipad ang isang eroplanong papel papunta sa akin. Bumagsak ang papel sa semento kaya dinampot ko. Tiningnan ko ang eroplanong papel at saka tiningnan ulit siya. "Call me, when you need help." Sabi niya saka kumindat at pumasok na sa loob ng army vehicle.

 Binulat ko naman ang eroplanong papel at doon ko nakita ang isang phone number at may smiley pa. Pero ang mas napansin ko ay ang nakasulat sa papel.

 Everything will be alright.

 Umandar na paalis ang sasakyan. Sinundan ko ito ng tingin bago makalayo.

 "Chaste..." sambit ko sa pangalan ng lalaki.

More Chapters