Cherreads

Chapter 221 - Chapter 51

Sa ilalim ng Smokey Laccolith ay mabilis na kinolekta ni Van Grego ang mga Beast Cores mula sa lugar na ito. Tanging siya na lamang ang natira matapos ang ginawa niyang pagpaslang sa mga Martial Beast na narito. Mayroon siyang gagawin sa mga ito upang bumuo ng isang pambihirang pill na tinatawag na Eye of God Pill. Isa itong uri ng pambihirang Pill kung saan ay magkakaroon ng mata na may kakayahang makita ang mundo, ito ay ayon sa nakatala sa mga sinaunang mga añcient information patungkol sa nasabing Pill. Isa ito sa mga Ancient Martial Pill mula sa sinaunang record ng pagpractice ng Alchemy. Ang Pill na ito ay mayroong maraming lebel ng Pill kung saan ang bawat klase ng Pill na ito ay mayroong ascending order upang masigurong magkaroon ng improvement sa iyong mata lalo na kapag gumagamit ka ng Eye Technique na nagko-kompliment sa Eye of God Pill. Kumpara sa Eye Technique, ang Eye of God Pill ay nagbibigay ng isang permanenteng malinaw na paningin na kagaya o higit pa sa kakayahan ng mga agila o alinman sa mga martial beasts na mayroong mga malilinaw na eye sights. Sa madaling salita ay parang naging isa kang pambihirang nilalang na mayroong matalaas na paningin.

Kumpara sa karamihan ay mas pipiliin nilang magkaroon ng kakayahang lumipad kung saan ay naghahanap sila ng mga pambihirang Flying Technique upang makalipad sila kaysa sa gumawa ng Martial Pill tinatawag na Eye of God Pill na imposibleng mangyari sapagkat ang tanging makakagawa lamang nito ay ang mga pambihirang Alchemist o pinakatalentadong Alchemist na minsan lamang matagpuan sa mundong ito.

Pero yun ang inaakala ng marami sapagkat ang Eye of God Pill ay nag-uumpisa lamang sa simpleng mga ingredients o mga Alchemy Materials kagaya ng mga Beast Cores ng mga nasabing halimaw na mayroong lebel ng Cultivation mula sa Martial Lord Realm Expert na siyang pangunahin nitong sangkap.

Maya-maya pa ay naubos niya ng kolektahin ang mga Beast Cores ng mga halimaw na may iba't-ibang lebel ng Cultivation mula sa Martial Lord Realm hanggang sa Martial Emperor Realm. Wala na rin ang makakapal na usok sa ilalim ng Smokey Laccolith at nadisperse ito sa hangin.

Agad na siyang naglakbay pang muli papunta sa nasabing susunod na ruta na kaniyang lalakbayin.

"Hmmm... Mukhang kakailanganin ko ngayong gumawa ng Eye of God Pill Level 1 sapagkat ang susunod na rutang aking tatahakin ay ang Desert of Beasts. Doon ay siguradong maraming malalakas na mga Martial Beasts kahit na mababa ang Cultivation Level ng mga ito ay kapag naistorbo ko lamang ang isa sa kanila ay siguradong susugurin din ako ng mga kagrupo nito.

Ito ang kaibahan sa pangalawang ruta. Masyadong marahas ang rutang ito sapagkat hindi lamang kasi isa ang maari mong makalaban kapag na-provoke mo ang maski isa sa kanila. Para sa survivability, maraming Martial Beasts ang piniling humanap ng grupo na mismong kauri rin nito upang sa oras na atakehin ito ay mayroon itong mga kakampi. Sa pangalawang ruta matatagpuan ang tunay na lakas ng grupo-grupong Martial Beasts. Once na atakehin ka ng isa ay aasahan mong aatakehin ng maladagat na bilang na kasamahan nito at mayroong ding pagkakataon na makikisali din ang iba.

Agad na naglakad si Van Grego upang humanap ng ligtas na lugar upang gumawa ng pambihirang Ancient Martial Pill, ang Eye of God Pill.

Kaibahan sa Smokey Laccolith ay kapag malampasan mo ito ay mayroong mga malalaking Rock Formations rito at konti lamang ang mga gumagala rito na Martial Beasts, siguro ay nagsisilbing proteksyon o divider lamang ito mula sa mga halimaw sa unang ruta na walang iba kundi ang Smokey Laccolith at pangga laban sa Phenomena na nangyayari dito na walang iba kundi ang usok na mula sa itaas nito.

Maya-maya pa ay nahanap ni Van Grego ang isang lugar na mayroong maayos na estruktura ng bato. Napakatibay ng Rock Formations kaya alam niyang ligtas ito. Hindi pa naman siya pumapasok sa pangalawang ruta at nasa border pa lamang siya kaya di siya nangangamba sapagkat wala ng halimaw na gumagala rito sa oras na ito.

Mabilis na pumasok si Van Grego sa loob ng malaking butas ng Rock Formation at masasabi niyang napakalawak dito at walang kahit na ano'ng klaseng nilalang o insekto ang nakatira rito.

Agad siyang nagcultivate muna at ikinalma ang kaniyang sarili upang manumbalik ang kaniyang enerhiya para sa isasagawa niyang Alchemy Processes.

Mula sa kaniyang Interstellar Ring ay inilabas niya isa-isa ang mga sangkap na kakailanganin upang gumawa at isagawa ang paggawa ng Eye of God Pill Level 1.

Ipinalitaw niya ang pinakabago niyang Cauldron na napakapambihira. Tinawag ito na Ice Fire Cauldron na masasabi niyang nasa Peak Human Step Treasure.

Agad na inilabas ni Van Grego ang mga sangkap sa paggawa ng Ancient Martial Pill na Eye of God Pill Level 1. Ang una niyang pinalabas ay ang Violet Beast Core ng isang Martial Lord Beasts na pinakapangunahing sangkap ng Eye of God Pill. Ang Beast Core na ito ay dapat nagmula sa halimaw na mayroong matalas na paningin at tama nga ito sapagkat ang mga nakatira sa Smokey Laccolith ay mayroong abilidad ang mga ito. Ang Violet Beast Core na ito ay mula sa halimaw na Two-Striped Tiger. Napakatalas ng mata na ito na maikukumpara sa mga halimaw na uri ng mga agila.

Sunod niyang inilabas na sangkap ay ang limang piraso ng Golden Roots ng 100-year old Golden Herb na matatagpuan lamang sa mga bangin na mayroong mataas na konsentrasyon ng Heaven and Earth Qi.

Sunod naman niyang kinuha ang isang kulay asul na tube na walang iba kundi ang Blue Larvae Saliva na siyang magiging unang sangkap na ilalagay sa Ice Fire Cauldron na pagmamay-ari niya rin.

Ang huling sangkap na kakailanganin niya ay mabilis niyang inilabas ito sa kaniyang Interstellar Ring. Walang iba kundi ang Two horned Falcon Egg na siyang mayaman ang itlog ng nasabing halimaw sa sustansya at ang Two Horned Falcon ay matatagpuan sa napakataas na puno kung saan ito ang tirahan nito. Napakaagresibo ng halimaw na ito at para makuha ni Van Grego noon ang itlog nito ay inakyat pa nito ang tirahan nito. Muntik pa nga siyang malagay sa ibayong panganib mabuti na lamang at nakaligtas siya rito. Isa siyang 1-Star Martial General Realm Expert noon samantalang ang Two Horned Falcon na kaniyang kalaban ay isang 8-Star Martial General Realm Beast ngunit natakasan niya ito sa pamamagitan ng mahirap na paraan kung saan ay binantaan niya pang pipisain ang anak nito. Mabuti na lamang at naalagaan niyang mabuti ang Two Horned Falcon at napaamo niya ito sa loob ng Myriad Painting. Halos mag-iisang libo na ang bilang ng populasyon nito at nakakuha siya ng isang itlog nito. Isa lamang ang Two Horned Falcon sa mga nilagay niya sa loob ng malawak na Myriad Painting.

Mabilis na inihanay ni Van Grego sa pinakaunang sangkap hanggang sa huling sangkap ng gagawin niyang proseso sa paggawa ng Level 1 na Eye of God Pill.

Ice Fire Cauldron> 1-tube of Blue Larvae Saliva> 1 Violet Beast Core> 5-pcs 100-year old Golden Roots> 1pc- Two Horned Falcon Egg.

Agad na nag-concentrate si Van Grego sa kaniyang gagawin. Mabilis niyang pinalutang ang Ice Fire Cauldron gamit ang kanyang essence energy. Gamit ang kaniyang kamay ay mabilis niyang ipinalabas ang kaniyang sariling Alchemy Fire na walang iba kundi ang Silvery white na Sacred Fire na sarili niyang apoy at itinapat ito sa lumulutang na Peak Human Step Treasure na Ice Fire Cauldron.

Pagkatapos nito ay mabilis niyang pinainit ang suface ng Cauldron hanggang sa maramdaman niya na tama na ang init upang isagawa ang unang proseso.

Gamit ang kaniyang divine sense at essence energy ay kinontrol niya ang isang tube na naglalaman ng Blue Larvae Saliva at doon ay naramdaman ni Van Grego na biglang animo'y lumaganap ang kakaibang lamig sa surface ng cauldron na siyang biglang umaapekto sa temperatura ng isinasagawa niyang Alchemy Processes. Ang Blue Larvae Saliva ay mayroong Yin energy na siyang nangangahulugang Extreme Cold. Isa itong mabisang paunang sangkap sa isasagawa niyang Ancient Martial Pill.

"Kailangan kong masigurong makokontrol ko ang lamig nito. Kailangan ko ng isunod ang Violet Beast Core ng Two-Striped Tiger upang mabalanse ang init at lamig ng temperatura. Sambit ni Van Grego habang medyo namamawis siya. Ngayon niya lang jasi nasubukan ang ganitong klaseng Pill kung saan ay daapt niyang balansehin ang temperatura ng kaniyang Alchemy Sacred Fire sa Yin energy na meron ang Blue Larvae Saliva.

Agad niyang pinalutang ang Violet Beast Core ng Two-Striped Tiger papunta sa loob ng Ice Fire Cauldron. Napakatigas ng Beast Core nito dahil isa itong Martial Lord Realm ngunit dahil sa tulong ng Blue Larvae Saliva ay magkakaroon ng pagkapit ng saliva ng Blue Larvae hanggang sa i-breakdown nito ang Napakatigas na Violet Beast Core ng nasabing halimaw.

Biglang makikita na nagrereact ang Blue Larvae Saliva habang kumapit ito sa kulay ubeng Beast Core. Nakita ni Van Grego kung paano kabagsik ang Yin Energy mula sa laway ng Blue Larvae. Tunay na napakalakas ng abilidad ng Yin Energy na kapitan ang bagay na gawa sa enerhiya katulad na lamang ng Beast Core na siyang gawa sa pinakapurong essence Energy na siyang pinagmumulan ng kapangyarihan ng mga Martial Beast. Ang kakayahan ng mga halimaw na kumolekta ng Heaven and Earth Qi at bumuo ng sarili nilang mga Core ay nakakamangha kumpara sa tao na kahit makamit nila ang Martial God Realm o Martial Stardust Realm ay hinding-hindi sila makakabuo ng Core. Liban sa Martial Beast Cultivators na mayroong mga Beast Cores at consciousness ay tanging ang mga Hybrid Cultivators lamang ang magkakaroon ng Core Crystals na mayroong iba't-ibang klasipikasyon halimbawa na rito ang Elemental Crystals na mayroong iba't-ibang attribute yun nga lang ay isang attribute lamang ang kaya nilang i-cultivate upang bumuo ng Elemental Crystals katulad ng Wind Attribute Crystals pero mayroon ding nagcu-cultivate ng masasamang Core Crystals kagaya na lamang ng Human Demon na kino-cultivate nila ay ang kanilang Demon Crystals na isang Othrodox Path para sa mga gustong labanan at supilin ang kanilang lahing tao. Isa din ito sa matinding kalaban ng mga Rehiyon noon na pumatay ng hindi mabilang na mga inosenteng buhay sa mundong ito ng Valoria.

"Kamangha-mangha talaga ang kakayahan ng Yin Energy. Kung hindi ako nagkakamali ay kayang-kaya nitong tunawin ang Beast Core ng sinuman lalo na ng iyong kalabang martial artists lalo na ang lahi ng mga Hybrids o ng Martial Beast Cultivators. Ngunit ang suplay ng Yin Energy ay napakalimitado lamang lalo pa't hindi ito mass produce at konting nilalang lamang ang maaaring magproduce ng Yin Energy kagaya ng Blue Larvae na mahirap din palakihin. Sa kasalukuyan ay dalawampong Blue Larvae lamang ang nasa aking pagmamay-ari. Isa rin ito sa mga alas ko kung sakaling hindi ko mapaslang ang aking kalaban na Hybrid o Martial Beasts Cultivators o di kaya ay mga malalakas na Martial Beasts na gumagala sa lugar na aking nilalakbay." Sambit ni Van Grego habang inaanalisa ang kaniyang sariling mga aksyon lalo na sa kasalukuyan niyang ginagawa. Tunay ngang kinakatakutan ng mga Hybrid Cultivators at Martial Beast Cultivators ang Yin Energy dahil once na ma-attach o madampi lamang sa kanilang Beast Core o Core Crystals ang Yin Energy ay siguradong tutunawin nito ang pinagmumulan ng kapangyarihan at abilidad ng isang Cultivators maging ng mga Martial Beast na vulnerable sa Yin Energy. Sa kasalukuyan ay dalawang tube na lamang ang natitirang Blue Larvae Saliva na maingat niyang itinatago sa loob ng isa sa mga Interstellar Rings niya. Hindi man ito nakakamatay sa mga lahing tao ngunit sa masasagupa niyang nilalang na mayroong Beast Core o Core Crystals ay siguradong mapapatay niya ang mga ito kapag direkta niyang pina-transfuse ang Yin Energy sa mismong Beast Core nila na siyang isang fatal blow para at ikaka-cripple ng sinuman sa mga ito na ang kahinaan ay ang Yin Energy.

Patungkol naman sa Blue Larvae na tanyag din sa tawag na Yin Larvae ay mahirap talaga silang palakihin lalo pa't kinakailangan na sa napakalamig na lugar sila dapat ilagay kagaya ng mga lugar na umuulan ng mga tipak ng Yelo o mga uri ng Yin Place kagaya ng Yin Valley na bihira lamang matagpuan sa mga lugar. Sa kinaroroonan ni Van Grego noon ay aksidente niyang natuklasan ang isang maliit na lugar na mayroong Yin Energies at masasabi niyang isang daan lamang ang bilang ng mga ito doon at ang mortality rate ng mga ito ay masyadong malaki lalo na kapag natagalan sila sa mainit na lugar ay mabilis na nanghihina ang mga ito lalo na kapag naarawan sila ay agad silang namamatay kapag hindi naagapan.

More Chapters