Ilang oras din ang ginugol ni Van Grego ay natunaw na rin ng tuluyan ang Violet Beast Core ng Two-Striped Tiger habang makikita na nalulusaw ito at nagiging kulay ubeng likido kung saan ay nararamdaman mo ang nag-uumapaw at napakapurong enerhiya mula rito. Talagang nakakamangha ang Beast Core lalo ng Yin Energy na kayang i-freeze ang Beast Core kung saan ay unti-unti nitong sinisira ang nasabing bagay at gamit ang temperaturang galing sa Alchemy Sacred Fire ay siyang ginamit upang tunawin ang excess ng Yin Energy kung saan ay kinokontrol nito ang Yin Energy at i-dispel ito. Kung ang Alchemy Sacred Fire lamang ang gagamitin niya ay maaaring masunog nito ang mga important properties na nasa loob ng Beast Core na siyang magbabawas ng Succession Rate ng paggawa ng Ancient Martial Pill na tinatawag na Eye of God Pill Level 1.
"Hooo! Sa wakas ay natapos ko rin ang unang proseso sa paggawa ng Level 1 ng Eye of God Pill. Talagang kailangan ko ng ibayong konsentrasyon lalo na sa eksaktong temperaturang kailangan kong ilagay upang mag-stabilize ang mga sangkap at wasto ang pamamaraan ng aking pagproseso ng mga ito. Maling galaw ko lamang ay siguradong mababasura lamang ang aking pinaghirapan." Sambit ni Van Grego habang inaalala kung paano siya nag-ensayo muna ng gabundok na mga materyales na siyang masakit isipin kung magkano ang halaga ng mga ito. Ito rin ang dahilan kung bakit tatlo na lamang ang natirang Blue Larvae Saliva sa kaniya na siyang last resort niya. Para matutunan ang isang pambihirang pill ay kailangan niyang maglaan ng napakaraming panahon at napakaraming resources. Yun rin ang seatback ng pagiging Alchemist at marami ka pang dapat isakripisyo para lamang mas umunlad at maging magaling talentadong Alchemist. Ang pagiging huli sa Cultivation Level ng mga kaedaran mo ay isang normal na phenomenon na lamang para sa mga Alchemist. Hindi lamang isang araw ang dapat nilang ilaan rito pero halos lahat ng Alchemist ay buong buhay nila ang inilalaan rito para maging maunlad na Alchemist hindi lamang sa kaalaman kundi maging sa kung paano sila gumawa ng mga pambihirang Martial Pills.
Maya-maya pa ay sinunod niya ang limang piraso ng 100-year old Golden Roots ng tanim na tinatawag na Golden Herb/s sa loob ng Ice Fire Cauldron para sa susunod na proseso. Isa ito sa sangkap kung saan ay paghahaluin nito ang Pure Essence Energies mula sa Beast Core at ang pure Yin Energy na mula sa Blue Larvae Saliva.
"Isa ito sa pinakamahirap na parte ng paggawa ng Ancient Martial Pill na Level 1 Eye of God Pill. Kapag nagkamali ako ay siguradong maghahanap akong muli ng sangkap. Wag naman sana." Sambit ni Van Grego while gritting his teeth. Alam niyang ito ang pinakamahirap na parte ng paggawa ng Eye of God Pill. Kung mayroon lamang kayang gumawa nito ay hindi niya pag-aaksayahan ng panahon ito. Ito ang kauna-unahang pinaka-aktuwal na paggawa niya ng Martial Pill na ito matapos ng mga pagpractice niya at masasabi niyang ang bawat step ay papahirap ng papahirap. Talagang kinakailangan niya ng ibayong konsentrasyon lalo na sa prosesong ito na kung saan ay tatlong mahahalagang sangkap ang dapat na pagsamahin at magblend ng tama upang maging successful ang paggawa niya ng pill.
Nakita na ni Van Grego na unti-unting natunaw ang Hundred Year old Golden Roots. Mabuti na lamang at tamang temperatura lamang ng kaniyang Alchemy Sacred Fire ang inilagay niya. Isa din sa pinakasimpleng katangian ng Golden Roots ng isang Golden Herb ay madali lamang itong malusaw pero kung nasobrahan ito sa pagluto sa loob ng Cauldron ay siguradong sunog na ito at hindi lamang iyon dahil magiging mababa ang kalidad ng Martial Pill na magagawa nito.
"Hooo! Muntikan na ako doon ah. Mabuti na lamang at maayos ang temperaturang nai-apply ko sa pagluto ng Hundred Year old Golden Roots. Kung hindi ay magiging basura ang lahat ng mga naunang sangkap ngunit hindi dapat ako maging kampante, dapat pag-igihan kong mabuti para hindi mauwi ang lahat sa wala ang lahat ng aking pinaghirapan." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan habang tinutukoy niya ang kaniyang ginawa. Isa rin sa importeng bagay ay ang ebalwasyon mo sa iyong sariling paggawa. Mahalaga iyon upang sa susunod ay magiging aware ka na sa maaaring gawin mo at ang hindi mo dapat gawin para sa mas mataas na succession rate mo sa paggawa ng ganitong pill.
Ikinalma ni Van Grego ang kaniyang sarili habang makikita ang kaniyang saya sapagkat halos naging matagumpay ang lahat ng proseso liban sa huling prosesong ito. Ang pinakahuli sa lahat ng proseso ang medyo maselan sa lahat at ito ang pagbalot ng nasabing Level 1 Eye of God Pill. Ito ay ang sangkap na tinatawag na Two Horned Falcon Egg. Ang itlog na ito ay mayroong dalawang parte, ito ay ang Egg White at ang Egg yolk. Ang Egg White ay 30% kumpara sa Egg Yolk na 70%. Tanging ang Egg White lamang ang maaaring gamitin at hindi kasama ang egg yolk nito.
"Hmmm... Kailangan kong maging maliksi upang hindi ko maihalo ang Egg yolk ng Two Horned Falcon Egg. Ito ang huli ngunit dapat ay maging maingat ako ng sa ganon ay marami akong magawa." Seryosong sambit ni Van Grego sa kanjyang sarili lamang habang makikitang masyadong maselan ang gagawin niya. Kailangan niyang maging maingat rito lalo pa't kailangan niya ng mabisang pagkontrol ng Essence Energies upang madivide o ma-partition niya ang bawat pill sa tamang portion ayon sa kinakailangan ng laki, sukat at timbang ng nasabing pill. Hindi pa tuluyang luto ang mga sangkap kaya nasa 40% completion rate pa lamang ang nagagawa niya.
Agad na biniyak ni Van Grego ang mala-kamaong laki ng Two Horned Falcon Egg gamit ang isang maliit na patalim. Ang maliit na patalim na ito ay tinatawag na Ring Knife. Ito ay gawa sa ngipin ng Black Ring Jaguar.
[Black Ring Jaguar- isang uri ng Martial Beast na kilala sa pinakamatigas at pinakamatalim nitong ngipin na kayang sugatan ang Martial Ancestor Realm Expert depende sa edad nito. Mas matandang Black Ring Jaguar ay mas matalim ang ngipin nito. Hinihinalang ang Ring-Shape nito ay isang simbolo ng kagitingan ng mga Sinaunang tribo. Karaniwang ginagamit ito upang gawing patalim o sandata lalo na ng mga Alchemist na tinatawag na Ring Knife.]
Pinaghiwalay ni Van Grego ang Egg White at ang Egg Yolk upang sa ganon ay maisagawa niya na ang huling proseso.
Gamit ang kaniyang divine sense ay mabilis niyang ituon ang kaniyang sarili sa Ice Fire Cauldron. Dito ay kinontrol niya ang apoy sa katamtaman lamang na init Mabilis nitong itinuon ang pagdivide ng naunang tatlong sangkap sa tamang portion kung saan ay nasa sampong parte ng paghati ang nasabing pambihirang pill. Dito ay mabilis niyang inihalo ang Egg White.
Maya-maya pa ay kinontrol ni Van Grego ang mga sangkap at mabilis nitong ibinalot sa nasabing pill ang transparent na bagay na walang iba kundi ang Egg White ng Two Horned Falcon Egg. Nagkaroon ng pagliwanag ng Ice Fire Cauldron tandang nasa 99% completion Rate na ito dahil ang mga sangkap ay malapit maluto at makompleto.
Tss...tsss...tsssss...!
Mistulang nag-vibrate ang Ice Fire Cauldron na tanda na nasa Critical Stage at nasa Highlight na ang nasabing paggawa ng pambihirang Ancient Martial Pill.
"Hmmmp! Kaya ko to!" Sambit ni Van Grego habang ang kaniyang pawis sa mukha lalo na sa parteng noo ay animo'y gripong walang tigil sa pagtulo. He gritted his teeth once again para tiisin ang hirap na kaniyang nararanasan sa mga oras na ito.
BUZZ! BUZZ! BUZZ!
Biglang lumakas pa ang pag-vibrate ng Ice Fire Cauldron habang ang mga patapos na sa paggawa na mga pambihirang piraso ng mga Ancient Martial Pills ay animo'y nagsasayawan at lumulundag sa loob ng Ice Fire Cauldron. Nakakamangha ngunit nakakatakot na pangyayari para kay Van Grego. Maling galaw lamang ng kaniyang pagkontrol ay maaaring mawala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan. Naranasan niyang sa kaniyang pag-ensayo noon sa paggawa ng Ancient Martial Pill na Eye of God Pill ay nabiyak sa dalawa ang buong katawan ng Cauldron maging ang mga sangkap at mayroon ding nasunog ang buong Cauldron pero ang pinakamalala ay nagkaroon ng malaking pagsabog ng buong Cauldron na isang Peak Human Step Treasure maging ang sangkap nito kung saan naglikha ng Wild Fire sa kagubatan maging siya ay lubhang nasugatan dahil hindi niya inaasahang ganon ang mangyayari.
"Irrrrrrrr!!!!!!!" Sambit ng nagkikiskisang ngipin ni Van Grego habang makikita na lubha siyang makaramdam ng panghihina dahil halos papaubos na rin ang kaniyang Essence Energies sa kaniyang katawan.
BUZZ! BUZZ! BUZZ! BUZZ! ...!
Habang papatagal ng papatagal ay makikitang mas lumalakas ang pag-vibrate ng Ice Fire Cauldron na parang animo'y mayroong nangyayaring kakaiba rito.
"Anong nangyayari?! Ang huling paggawa ko ay mayroon akong Succession Rate na 92% pero ngayon ay ano ang nangyayaring ito?!" Labis na pagtataka habang sinasambit ni Van Grego dahil ramdam niyang mayroong abnormalidad na nangyayari sa kaniyang ginagawang Alchemy Processes. Wala naman siyang mali sa ginawa niyang proseso lahat ay sinunod niya. Kung tutuusin ay wala siyang nakaligtaang bagay. Mabilis niya lamang sinusuplayan ng kaniyang Essence Energies at Alchemy Sacred Fire ang kaniyang Ice Fire Cauldron habang makikitang halos doble ang hirap na kaniyang nararamdaman. Halos malapit na lamang siya sa kaniyang limitasyon. Ang tanging ginagawa niya ay mag-eject ng mag-eject mga enerhiya palabas ng Kaniyang katawan papunta sa nasabing Ice Fire Cauldron at sa pagkontrol sa sampong Level 1 Eye of God Pill.
BLIZZZZ! BLIZZZZ! BLIZZZZ!
Mas nagliwanag ang buong Cauldron at mas naging agresibo ang pag-vibrate ng nasabing Ice Fire Cauldron. Nagbago rin ang tunog na inilalabas sa loob ng pill.
Maya-maya pa ay namuo ang isang kulay ubeng ulap sa ibabaw ng Ice Fire Cauldron na animo'y isa itong bagay na hindi naririto sa lugar na ito. Napakagandang ulap na bihira lamang makita sa mundong ito lalo na sa kalangitan at hindi ito makikita sa bawat cauldron.
Mistulang natahimik si Van Grego sa nakita niyang bagay.
"Purple Air from the East?! Namamalik-mata ba ako?! Totoo nga, nakagawa at nakatawag ako ng isang pambihirang phenomenon!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang sobrang mangha at tuwa. Hindi niya aakalaing magbubunga ang kaniyang pinaghirapan sa pag-aral ng pambihirang Ancient Martial Pill na Level 1 Eye of God Pill.
Maya-maya pa ay biglang mayroong sumabog na mumunting enerhiya sa itaas ng pambihirang Ancient Martial Pill sa loob ng Cauldron tanda na ito na nag Highlight.
Biglang lumitaw sa ibabaw ng Ice Fire Cauldron ang pigura ng Three- legged Golden Crow kasama ang tatlo pang mga Martial Beasts, ang Two-Striped Tiger, Two Horned Falcon at ang Blue Larvae.
Sa tanang buhay ni Van Grego ay unang beses pa lamang mangyari ang bagay na ito maliban sa namgyari noong paggawa niya ng pill ng una siyang mapadpad sa malaking kontinente ng Arnigon Continent sa tulong ng kaniyang dating Master Vulcarian.
Agad na binuhos ni Van Grego ng maayos ang kaniyang Essence Energies habang sa biglang nagliwanag ng malakas tanda na natapos na ang buong proseso sa paggawa ng nasabing pambihirang pill. ngunit ramdam ni Van Grego ang namumuong mga kakaibang enerhiya sa paligid ng Ice Fire Cauldron partikular na sa sampong piraso ng Level 1 Eye of God Pill.
Lumutang sa ere ang sampong Level 1 Eye of God Pill kung saan ay mistulang nagkaroon ng mga namumuong mumunting enerhiya sa loob ng Pill.
"Masama ito. Ang mga Pill na nagawa sa Perfection Stage [95%-100% Succession Rate] ay maituturing na taboo at mag-uumpisa itong kumolekta ng Heaven and Earth Qi sa paligid. Sa oras na ito ay unti-unting mamumuo ang tinatawag na Pill of Consciousness kung saan ay magkakaroon ng kamalayan ang nasabing Pill katulad na lamang ng Moon Blossom Pill na kinain ni Van Grego at ng dalawang consciousness na namuo sa pambihirang bagay na nasa loob ng kaniyang katawan. Ngunit dahil espesyal na lugar ang separate dimension na iyon ay walang nangyaring heavenly thunder doon.
Pero sa kasalukuyan, tuluyan ng mamumuo ang consciousncess ng sampong Level 1 Eye of God Pills.
"Hindi ko hahayaang mauwi lamang sa wala amg lahat ng aking pinaghirapan upang gawin ang pambihirang Ancient Martial Pill ns ito. Hindi ako papayag!" Malakas na sambit ni Van Grego habang mabilis na gumalaw ang kaniyang kamay.
Whooosh! Whooosh! Whooosh!
Biglang nagsagawa ang binatang si Van Grego ng mga maliliit na hand seals na hindi mabilang ang dami nito at agad na nagmaterialize sa ere habang mabilis itong bumulusok sa sampong Perfect Eye of God Pills. Hindi niya pa alam kung ilang porsyento ang kaniyang nagawang pill kung bakit ganon na lamang ang taas ng kaniyang Succession Rate na nakakapagtaka lamang isipin ang bagay na ito.
