Mayroong namumuong itim na enerhiya sa itaas mismo ng kalangitan sa lokasyon mismo ng pinagtataguan ng binatang si Van Grego lalo na sa kinaroroonan ng sampong Level 1 Eye of God Pill.
"Hmmm... Masama ito sapagkat hindi lamang Heaven and Earth Qi ang naaattract nito kundi ang galit ng kalangitan sa mga bagay na nakamit ang Perpection Stage o ang pagiging perpekto na isang taboo at ipinagbabawal ng kalangitan. Sa oras na maramdaman ng kalangitan ang unusual events na may kinalaman sa perpeksyon ay ini-execute mismo ito sapagkat nakikitang banta nito ang mga nakakamit ng 95%-100% Succession Rate." Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan. Ito ang pinaka-unfair sa lahat. Walang pwedeng maging perpekto sa kalupaan. Tanging sa kalangitan lamang nararapat ang perfection. Ang sinumang perpekto ay idi-dispel mismo ng kalangitan sa pamamagitan ng pagpapadala ng Heavenly Thunder mula sa kalangitan papunta sa kalupaan. Ito ang layunin ng kalangitan, ang supilin ang perpeksyon na siyang nangnagahulugan ng pagiging banta at kung patuloy itong magiging banta ay siguradong papaslangin siya ng napakalakas na armas ng kalangitan sa pagpapadala ng mga Heavenly Thunder at mga Heavenly Tribulations na siyang pinakamasaklap na senaryo sa lahat. Sa madaling salita, tinatanggalan ng kalangitan ang may potensyal na mabuhay at tumalikod sa Heavenly Dao Laws na siyang tanda ng pagkasira ng balanse at kontrol ng kalangitan sa mga bagay o mga nilalang na may buhay sa lupa.
Maya-maya pa ay bigla na lamang kumapit ang mga kakaibang simbolo na walang iba kundi ang maliliit na handseals na minaterialize niya.
Nagliwanag ang mga maliliit na handseals at bigla na lamang nawala ang mga enerhiyang papunta sa bawat sampong Level 1 Eye of God Pill. Makikitang bigla na lamang nawala ang nagliliwanag na mga enerhiya na nakapalibot sa sampong pambihirang Level 1 Eye of God Pill. Nawala rin bigla ang pamumuo ng Heavenly Thunder sa kalangitan na siyang nalaman ni Van Grego sa pamamagitan lamang ng kaniyang divine sense na malakas kumpara noong siya'y mayroong Cultivation Level na Martial Emperor Realm pa lamang. Kitang-kita talaga ang lamang ng Martial Ancestor Realm kumpara sa dating Cultivation level niya na Martial Emperor in a very huge margin. Halatang mas mataas na boundary ay nag-iimprove ang iyong sarili lalo pa at tumatalas ang iyong mga Senses lalo na ang iyong Divine Sense.
"Hooo! Muntik na ko doon ah. Ang kakayahan ng handseals ko ay epektibo para maselyuhan ang Level 1 Eye of God Pill. Mabuti na lamang at hindi ito tinamaan ng Heavenly Thunder o nagmanifest ng Heavenly Tribulations. Wala pa akong kakayahan upang maprotektahan ang mga bagay laban sa hagupit ng Heavenly Thunder. Sambit ni Van Grego habang makikita ang labis na lungkot. Ito ang katotohanan, sapagkat ang pinakamahirap matutunan na konsepto ay ang Konsepto ng Kidlat (Concept of Thunder) isang elemento kung saan mapapabilang sa outside element. Hindi ito nabibilang sa apat na pangunahing elemento ng apoy, tubig, hangin at lupa ngunit isa ito sa pinakamalakas na Elemento ngunit pinakamabagal sapagkat kailangan mo ng napakalakas na Thunder Technique na pinakabihira ding Cultivation Techniques sapagkat ilan lamang ba Thunder Attribute na Martial Artists o Cultivators sa mundong ito? Bilang lamang sa kamay. Mayroong isang Ancient Clan ang nagtataglay ng ganitong elemento na siyang sonasabing napakalakas at nakaabot sa Level 7 na siyang kayang kayang i-massacre ang kalabn nitong isang buong angkan na kalaban nito, ang Thunder Lion Family na mayroong dalawang unique thunder physique, ang Blue Lightning Physique at ang pinakarare sa lahat, ang Violet Lightning Physique na may pinakabayolenteng Physique na kayang kitilan ng buhay kahit ang mga Blue Lightning Physique. Mistula kasing mayroong positive at negative charge ang Blue Lightning Physique pero ang Violet Lightning Physique ay isang neutral charge ngunit wala ng anumang balita pa sa nasabing pamilya o sa mga Royal lineage ng mayroong Violet Lightning Physique. Kung meron sana ay siguradong sila ang may pinakamalakas na Attribute sa kasaysayan. Pagkatapos ng paglalakbay niya rito sa Martial Beast Cultivators Territory ay kailangan niyang pag-aralan ang konsepto ng Thunder. Kapag nakaabot na o nakalampas ang lahat ng kaniyang konsepto sa ikalimang lebel ay siguradong maaaring magising na ang natutulog niyang Perfect Wood Attribute Physique. Sa oras na iyon ay kayang-kaya niya ng ipagtanggol ang kanjyang sarili sa Heavenly Tribulations na hahagupit sa kaniya.
Agad niyang tiningnan ang nakalutang na Ice Fire Cauldron at mabilis niyang inilapag ito sa kaniyang harapan.
Makikita sa mata ni Van Grego ang labis na saya. Hindi niya aakalaing makkagawa siya ng Perfection Stage na pambihirang Pill. Tanging ang mga magigiting at napakatalentadong Alchemist lamang ang makakagawa nito at kahit magkaganon man ay hindi siya makapaniwala sapgkat ang kaniyang kakayahan ay nakadepende lamang sa kaniyang sarili. Aminin niya man o hindi pero malaki ang naitulong ng kaniyang dating half-master na si Master Vulcarian at sa pagsussumikap niyang maging mahusay na Alchemist.
Agad na tiningnan ni Van Grego ang loob ng Ice Fire Cauldron at doon niya nakita ang sampong maliliit na pabilog na bagay na walang iba kundi ang Ancient Martial Pill na Level 1 Eye of God Pill na mas kilala sa tawag na Tiger Eye Pill. Isa ito sa pill na gagamitin upang mabuksan ang isang acupoints niya sa mata sa bandang likod ng kaniyang eyeballs. Dito ay mayroong isang saradong passage ng enerhiya kung saan ay hindi napapasukan ng enerhiya kapag naglo-launch siya ng isang Eye Technique maging ang iba pang mga Martial Artists na siyang dahilan rin noon kung bakit kahit gaano kaganda at kapambihira ng Immortal Eye Technique niya ay hindi niya makita ang lahat ng bagay lalo na ang pinakamalayong parte na maaabot ng kaniyang mata.
Makikita ang saya ng binatang si Van Grego ng mahawakan isa-isa ang mga pambihirang pill na ito na may buong pag-iingat na baka mapisa niya ito o ma-damage na baka magdulot ng pagbaba ng medicinal efficacy nito. Halos makikita ang saya sa kaniyang mukha sapagkat ang kaniyang pinaghirapan ay nagbunga. Sino nga ba ang hindi diba?
Ikinalma ni Van Grego ang kaniyang sarili habang makikita ang labis nitong pag-aasam na makuha ang gusto niyang mangyari.
"Hooo! Sa wakas ay mabubuksan ko na ang isang nakakamanghang abilidad na nakatago mula sa likod ng aking mata." Sambit ni Van Grego at umupo siya ng maayos na parang nagcu-cultivate siya.
Maya-maya pa ay tinakpan niya ang kaniyang mata ng puting tela upang gawing piring at in-unseal niya ang mga inilagay niyang handseals sa isang Level 1 Eye of God Pill o Tiger Eye Pill sa pamamagitan ng pagpapawalang bisa ng energy ng handseals. Siya ang naglagay kaya madali lamang sa kaniya ang mapawalang bisa ito.
Bago pa mamuo ang itim na kaulapan at paghigop muli ng Heaven and Earth Qi ay mabilis na nilunok ni Van Grego ang nasabing pill. Hindi niya ito pwedeng direktang kainin sapagkat kapag ginawa niya ito ay mawawalan ng bisa at hindi ito makakaabot sa mata niya kundi sa mismong dantian niya. Dahil sa sangkap na Golden Roots ay mabilis matunaw ang Tiger Eye Pill na ito na siyang hindi niya maaaring kainin ng padalos-dalos. Isa pa ay limitado lamang ang enerhiya nito na sapat lamang upang mabuksan ang kaniyang acupoints sa mata niya.
Naramdaman ni Van Grego na mabilis na natunaw ang nasabing Tiger Eye Pill sa kaniyang dantian. Mabilis niyang tinipon ang nasabing enerhiya at kinontrol niya ito sa pamamgitan ng pagpapadaloy ng enerhiya direkta papunta sa kaniyang kanang mata.
"Break for me!"
Sambit ni Van Grego hanggang sa isang direktang pagtama sa likod ng kaniyang eyeball ang naramdaman niya.
Ibayong sakit ang naramdaman ni Van Grego sa kaniyang mata. Tanging mahinang pagdaing lamang ang kaniyang nagawa upang tiisin ang sakit na kaniyang nararamdaman. Napakahirap kasing mabuksan nito sapagkat mayroong muscles at mga tissues ang humaharang dito. Kaya nga kung uunahin niya ang pagpapatough ng kaniyang tissue at muscles sa iba't-ibang parte ng katawan ay mahihirapan na siyang mabuksan ang Level 1 ng kaniyang Five Senses na walang iba kundi ang paningin gamit ang mata, pandinig gamit ang tainga, Panlasa gamit ang kaniyang dila, Pang-amoy gamit ang kaniyang ilong at ang pinakahuli ay ang pandama gamit ang kaniyang balat, tissue, muscles bone at iba pa na isang overall process ng kaniyang transformation o pagbabago ng kaniyang katawan. Ihuhuli niya ito sa lima sapagkat may kinalaman ito sa pagpapatibay ng kaniyang Muscles, Tissues at Bones sa kaniyang katawan na siyang pinaka-ardous sa lahat. Sa lebel 1 ay pahuhuli ito pero sa level 2 magiging descending order ito at ang mauuna ay ang pandama at panghuli naman ang kaniyang paningin.
"Hmmm... Ganito pala ang sakit na aking mararamdaman sa pagpapatuloy ko ng pagsunod sa Body Cultivation System. Kahit na pagsamahin ko pa ang lahat ng aking enerhiya ay kailangan ko pa ring indahin ang sakit sa pagbubukas ko ng mga saradong parte ng aking mga acupoints sa mga katawan. Isa pa ay medyo nahuli na ako sa pagbubukas ng aking mga acupoints kung mayroon lang akong kaagapay sa paggawa ng Pill o mayroon ng Pill ay hindi ako mag-aaksayang ensayuhin ang paggawa ng mga ito ngunit talagang napakadaya ng tadhana kung bakit ako nilayo sa pamilyang meron ako o kung meron ba talaga." Sambit ni Van Grego. Hindi sa nagrereklamo siya ngunit pakiramdam niya ay nag-iisa lamang siya. Yung tipong iisipin niyang pinaglalaruan lamang siya ng tadhana. Yung pakiramdam na kailangan niyang lumaban sa buhay para makamit ang gusto niya. Hindi siya mapapatay-patay sapagkat ang selyo sa kaniyang katawan ay samdamakmak. Hindi na bago sa kaniya iyon ngunit hangga't maaari ay kailangan niyang mag-ingat na wag niyang matrigger ito. Isa pa ay nakalabas na ang isang Selyo. Hindi siya tanga para hindi malaman na si Valc Grego ay isang buhay na selyo na kahawig niya. Kung sa kaniyang pala-palagay lamang ay kabaliktaran niya ito, napakasama at sobrang lakas ngunit ang ipinagtataka niya talaga ay kung bakit hindi siya nito sinaktan. Alam niyang mayroong pinaplano ang buhay na selyo na iyon. Sinabi na sa kaniya ni Master Vulcarian ang posibilidad na buhay ang selyo sa kanyang katawan at magti-take shape ito sa magkakaibang bahagi. Kailangan niyang magpalakas pa lalo kung ayaw niyang matalo siya ng huwad na katauhan niya na si Valc Grego. Palaisipan pa rin sa kanya kung ano ang magiging papel ng isang Valc Grego sa mundong ito ng Valoria.
Agad niyang nilunok muli ang pangalawang piraso ng Tiger Eye Pill na agad namang natunaw ilang segundo lamang. Kinontrol niya ang enerhiya mula sa kaniyang dantian.
Van Grego gritted his teeth while he prepare his next move.
The energy of the Tiger Eye Pill suddenly burst in inside the dantian and push again inside the back of his eyeball .
BANG! BANG! BANG!
The energy from the said extraordinary pill suddenly wants to tear apart the blocked path of the acupoints of the backside of his right eyeball.
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! ...!
Halos maligo si Van Grego ng sariling pawis habang makikitang umaagos ang sariwang dugo mula sa kaniyang kanang mata.
Patuloy pa ring tinitiis ni Van Grego ang sakit habang isang malakas na tunog ang biglang bumundol ng malakas sa likod ng kaniyang Eyeball.
BAAAANNNNNNNGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!
Tumalsik ang napakasaganang dugo mula sa kaniyang piring at umagos pa ang iba pababa sa kaniyang mukha.
Van Grego just gritted his teeth. He calm his self because his not yet finish. The left eye is not yet open. Kailangan niyang mabuksan rin ito sa lalong madaling panahon.
Ilang minuto lamang nag nakalipas ay inumpisahan na muli ni Van Grego ang paglunok ng Tiger Eye Pill para buksang ang acupoints sa kaniyang kaliwanag mata. Dito ay makikitang inihanda niyang mabuti ang kaniyang sarili sa sakit na mararamdaman niya.
Agad niyang tinipon ang enerhiyang papunta sa kaniyang kaliwang mata. Halos nagkaroon pagguhit ng kakaibang sakit sa mukha ng binatang si Van Grego kahit na inaasahan nito ang sakit mula sa pagbunggo ng enerhiya mula sa nasabing pill ay napakasakit pa rin kapag aktuwal na pangyayari o mangyayari sa sarili mo iyon. Van Grego just gritted again his teeth to indure the pain he is suffering right now.
"Hmmm... Konti lamang ang aking essence energy na natira sa loob ng aking katawan. Kung hindi ako magmamadali at ganito lamang ang estado ko ay manghihina akong labis." Sambit ni Van Grego sa kaniyang sarili habang makikita ang namumuong bagabag sa kaniyang isipan. Masyado kasing malaki ang factor kung magkakaroon siya ng karagdagang essence energy ngunit ang Martial Pill niya na kagaya ng Energy Recovery Pill ay hindi na masyadong epektibo lalo na't isa na siyang Martial Ancestor Realm Expert. Ang Energy Recovery Pill ay para lamang sa Martial Emperor Realm Expert pababa sapagkat isa lamang itong Basic>Common> Primary Pill. Hindi niya rin inaasahan na magkaka-sudden breakthrough siya papunta dito sa Martial Beast Cultivators Territory. Kung kaya't hindi siya nakagawa ng mas pinalakas na bersyon ng mga Martial Pill na Energy Recovery Pill na tinatawag na Energy Regaining Pill na siyang pangalawa o Secondary Pill. Ang mga Pill niya noon na mga Purong Primary Pill ay wala ng magandang epekto sa kaniyang katawan at magdudulot lamang ito ng impurities sa katawan kung kakainin niya pa ang mga ito.. Ang malala pa nito ay baka bumara lamang ito sa loob ng kaniyang dantian dulot ng napakaraming impurities nito. Kaya nga karaniwan na mga Martial Ancestor Realm Expert ay naghihirap o walang masyadong mga Secondary Stage Martial Pill. Ang gabundok na Martial Pill sa kaniyang Interstellar Ring ay wala ng halaga sa kaniya pero sa ibang mga Martial Artists na mayroong Cultivation Level na Martial Emperor Realm pababa ay siguradong napakaepektibo ng mga ito. Hindi man sabihin ng binatang si Van Grego ay malaki ang gampanin ng mga nagawa niyang Pill lalo na sa mahigit tatlong taon niyang nasa seklusyon at bibihira lamang siyang maglakbay noon lalo pa't isa rin siyang Alchemist kaya kahit papaano ay masasabi niyang nahahabol niya pa ang tamang Cultivation ng mga kaedaran niya. Kung lalabanan niya si Jinron ngayon ay siguradong mapoprotektahan niya ang kaniyang sarili at mapapatay niya ito. Maikukumpara na kasi ang lakas niya sa isang talentadong 6-Star Martial Ancestor Realm Expert kagaya ni Veno kahit na bagong tungtong lamang siya sa pagiging 1-Star Martial Ancestor Realm Expert.
