-Taong 2016 = Buwan ng Marso 19-
-Page 1- Naay nangita nako!-
Kinabukasan ay himalang nagising ang anak ni Joshua Cabralda; iyon ay ang tatay ng bida natin.
Mag alas singco pa lang ng umaga ay lalabas na si Joshua para magkape, na inaasahan na kasama ang kaibigan niya.
Patungo sa riles; sa totoo lang isa yong lugar na malapit sa riles, at nang maka labas siya sa isang butas na ka hugis ng pinto ay sinalubong niya ang akala niyang isang kaibigan.
Naka handa na ang pandesal at kape, na ang taong yon ay tahimik na kumakain.
-Kinsa kana? (Sino kaya yon?) Mas mukha pang tambay kaysa samin ha?- bulong niyang sabi, at nilapitan niya ito tapos hindi niya malaman kung sino dahil may unting antok pa si tatay, ng nakaupo na siya sa gawang kawayan na upuan.
Kinuha niya ang pandesal at sinabi, -Penge ha.- Sabi ni Joshua at agad ninguya.
-Kape po?- sabi ng lalaki, at tumungo si tatay, at ng mag timpa yung lalaki ng kape ay tila parang napaisip si Joshua na kilala niya ang boses,
-May ka boses ka, akong anak.- Sabi niya, at nang tumingin ang lalaki habang hawak ang kape at inaabot ay nagulat ito nang makita ang tatay niya.
Natapon ang kaunting mainit na kape kay Joshua at agad nag react, -Abay nataranta, palpak.- sabi niya,
-Tay bakit ka nandito?- tanong ng anak niya, at bitbit na ni tatay ang kape at uminom dito.
-Abay saan pa ba. Raymond, mangutana unta ko. (Raymond ako dapat ang nagtanong.) Ang aga mo, himala.- tanong ni Joshua,
-Mag practice ako ng bagong tricks Tay, ngayong wala pa kumukuha sakin.- magiliw na sinabi ni Raymond, -Hoy, yang sinasabi mo. Baka mamaya ma kidnap ka dyan, Ray ingat ha.- Sabi ni tatay habang tinuturo niya ang kanyang daliri na parang pinag sasabihan ba.
Napangiti na lang si Raymond at napaisip "Gusto ko sanang makaipon para naman may bagong damit si tatay, Kasi teenager pa lang ako...Suot na niya yan."
At nang matapos silang kumain (Oras ng: 05:46am) ay niligpit nila ang pinagkainan at nag lakad pauwi, habang naglalakad ay sinabi ni tatay ng napatingin siya sa anak, -Tangkad mo na oh, namana ba sakin? *Tumawa 'di mo hilig mag basketball?- tanong niya.
-Eh wala akong scholarship Tay, at tsaka 'di smart eh.- Sabi ni Raymond na para bang malungkot.
-Smart ka nga, madiskarte, mapera...basta wag lang sa ugali mong mali yung pinag gagastusan.- Sabi ni Joshua at pinayohan ang anak.
Sa bahay ay nasa sala si Raymond at nag cellphone, nakita niya sa isang post sa Facebook; iyon ay isang social media app.
Na sabi "Looking for clown or magician para sa birthday dito sa Salinas...7th birthday ng anak ko."
At nang nabasa niya ito ay namadaling mag contact ni Raymond ang poster nito. Nag text sila,
(Raymond) *send screenshot ng post "Hello po isa akong clown at willing po kong mag perform para sa birthday ng anak niyo po." "Bale 14k or 14 000 pesos po" (Poster Ma'am Julie) "Okay po, fill up niyo lang ang mga requirements namin." *Text of requirements sent (Raymond) "Name: Prince," napangiti na text niya ito dahil naalala ang tawag sa kanya ni Princess. "Age: 22" "Clown: ✔️ Magician:_" "Years of experience: 6 years " "Clown/Magician I.D card:✔️" "Need po ba ng pic ng I.D?" (Poster Ma'am Julie) "Of course."
Sinimulan na hanapin ni Raymond ang I.D niya at ilang minuto na nakalipas ay napansin niya na nawawala ito. -Nay! Nay! Nakita niyo po ba clown I.D ko?- tanong ng anak, at habang nag lalaba ang nanay niya, -Hindi, Nasa wallet mo ata.- sagot ni nanay, -Wala Nay.- nagrereklamong sabi ng anak.
Sabay pinakita ang wallet at laman nito, -Aba walang laman ah...San mo ba huling nilagay?- tanong ni nanay,
-Sa folder...- at nang sinabi iyon ni Raymond at naalala niya na iwan niya sa interview!
-Ayy! Ano ba yan nasa bazaar! Yung sa Sugbo Mercado ba. Nay pano yan, wala na kong money.- iyak ng anak ni nanay na tila nawawalan na ng pag asa.
-Pano yan...Bakit mo naman ilalagay dun? May wallet ka?- pinagsabihan ni nanay si Raymond,
-Imong igsuon ra, si Rhea para naman hindi ma miss yang opportunity.- Sabi ni nanay,
-Alam mo Nay, assistant clown lang siya. At hobbies lang ni Rhea yon not all the time...- reklamong sinabi ng anak ni Angela; sa totoo lang iyon si Nanay.
-Wala na kong contact sa kanila. *Napapaiyak Nanay san ba si Rhea?- tanong na lang ni Raymond.
At nakaupong naglalaba ang kanyang Nanay na patapos na ang kanyang pag banlaw, na tumigil at sinabing,
-Aba syempre tulog pa, at Raymond dryer mo nga to.- Utos ni Angela sa kanyang anak, Una ay ayaw ng anak pero binuhat pa rin ang palanggana na super bigat dahil sa bundok na puting damit, medyas(socks), at underwear.
Kasama na ang uniform ni Rhea, at nang malagay niya ito sa dryer at pina start niya ay naka tugon pa rin ang pansin ni Raymond sa cellphone niya,
(Poster Ma'am Julie) "Ano na po? Waiting pa..." (Raymond) "Nawalan po ko eh, pwede ba kapatid ko na lang? Clown po siya, contact niyo na lang." "Ito po fb account, Lucille Cabralda." (Poster Ma'am Julie) "Okay ra, salamat." "Okay ka na sana wala lang I.D card na required :), Sana mahanap mo." -End message-
(Bandang: 07:42am)
-Page 2 - Akong story, storya ni Papa-
Nanay Angela point of view:
(Alas: 18:02 ng gabi) Sinabihan ko ang aking anak na si Rhea, -Nak, bili ka nga ng sprite at suka.- Sambit ko, habang siya'y nasa cellphone abay magdamag na iyan.
Naka upo sa lamesa baka bumigay, -Huy Rhea tigil nga muna sa cellphone na yan, ¡eso caerá!- sambit ko ng napa tingin ang aking anak na tila naninibago.
-Nay, Spanish yun? Marunong ka mag spanish? Hala Nay.- Sambit ni Rhea na hindi makapaniwala.
-Secret, hindi ba obvious sa itsura? Saan kayo nagmana?- sabi ko at ipinagmalaki pa, -Kita ko naman pero Nay...bakit niyo dili ginagamit yan palagi?- Sambit ni Rhea tila ba gusto malaman.
Habang nagluluto ako ng ulam namin bale dalawa isa adobong manok at isa naman buttered shrimp, allergic kasi ang anak kong babae sa hipon.
...
Kaya minabuti nang hiwalay ang sa kanya, Dapat nga nagluluto na ang anak ko hindi lang yung easy to cook. -Dali kumukulo na oh. Nasa bag yung wallet ko malapit sa TV.- Sambit ko at buti nga nagmadali na yung anak ko lumabas para bumili Kaso nga lang naka focus pa rin sa cellphone, sakit na niya.
Umuwi na ang makulit kong minamahal, kargador mula sa pabrika sa umaga, namamasada naman sa hapon lalo na uwian ng mga estudyante rito.
-Huy Josh, nakauwi ka na pala.- Sambit ko at niyakap ang isa't isa, at may binigay sakin na tinapay isa pala itong produkto.
-Saan 'to galing? Ngayon ka lang may pasalubong simula pa nong last week.- tuwa kong sinabi at siya din. -Galing lang yan sa pabrika...salamat Jela sa pabaon mo.- Sambit niya at hinalikan ako sa pisngi, at biglang bumukas ang pinto,
-Hala si Tatay naman mas sweet pa kaysa sa cake na to.- Sambit ng mukhang pera kong anak,
-Raymond! San galing yan? Pano mo nabili?- Tanong ko ng pareho kaming gulat ni Joshua.
At napalingon pa siya ng masara ang pinto tila hindi niya alam na siya yong tinuturo.
-Ako ba?- Tanong niya, -Ay hindi daga yon. Ayon.- Sabi ng asawa kong kaloka at nang maturo niya ay nagulat kami ng anak ko,
-Nay! May daga!- sigaw ni Raymond, at napatakbo sakin, ng ang daga ay malapit sa pinto ay kinuha ng asawa ko ang walis at pumunta para palabasin ang daga,
-Ray! Lapit na sa pinto, 'di naman pinagbuksan. Hindi ka gentleman.- galit na sabi ni Joshua, at sa labas 'di ba madilim don ay hindi niya napansin ang daughter niya na nakatayo lang, at nang lumabas ang daga ay tumingin ang minamahal kong si Joshua at nagulat siya.
-Huy Rhea 'di ka man lang nag sasalita dyan. Kala ko multo eh!- sambit ni Joshua habang nakahawak sa pinto. At napatingin si Rhea, -May daga pala sa bahay? Doon sila sa cr nakatira, dumadaan sa butas, Tay. Dapat takpan na yon.- Sabi ng walang pakielam kong anak na si Rhea.
-Kumpleto na, Tara kain na.- Sabi ng asawa ko, pero sabi ko na patapos na ang niluluto ko sa dalawang sangkap na binili ni Rhea.
-Nay, lagay ko lang sa Ref.- Sabi ng mahal kong son, at napatanong din ako kung saan galing yon at sa Red ribbon.
-Pero kanino? Kasi mahal yang cake na yan...Huy.- Turo ko sa kanya, -Wag mong sabihin nangupit ka.- Seryoso kong sabi, habang nasa lamesa ang dalawa.
-Hindi Nay, ano ka ba. Galing po 'to kay Princess, sinamahan ko siyang bumili.
Nagulat ako binigay niya sakin, pasalubong ko daw sa inyo.- Paliwanag ng anak ko, at napa chismis din ang dalawa.
-Jowa mo na ba, Kuya? Naka ilan ka, pero talo sa love.- asar ng kapatid niya. -Sinong Princess? Ano apelyido?- Tanong ko nang binigay ko ang ulam sa kanya upang ilagay sa lamesa, at naka ayos na ang plato.
-Sino ano- na putol ang salita ni Raymond nang sinabi kong, -Magdasal muna bago kumain, ikaw naman Rhea.- at nagtuturo pa tong batang to pero bihira lang magdasal.
-Okay ra na nga.- Sambit ni Rhea,
-Close your eyes, bow your head and let us pray. Dear Heavenly Father, thank you for the food and daily bread you have given us today. May you bless the food we are about to eat to be nutritious and healthy for our body. I hope you give and provide people their food and needs, as they have faith in you or if not. Thank you Lord, In Jesus name, we pray. Amen.- Dasal ng aking daughter, at lahat kami himalang na gets namin.
-Marunong ka pa lang magdasal? Amen.- Sambit ni Raymond, -Galing mo pala nak. Ikaw ulit sa susunod.- Masayang sinabi ni Joshua,
-Saan mo natutunan yan Rhea? 'Di ma sumama samin sa pagsimba.- Tanong ko, -Ano Nay, sa mga kaibigan ko lang.- Sabi ni Rhea at napatanong ako sa sarili na magkakaiba pala ang impluwensiya ng kaibigan.
At kumain na kami, habang kumakain ay tinanong ko ulit kung anong apelyido ni Princess, -O'Brien po, Princess O'Brien.- Sabi ni Raymond,
-O'Brien? Ka ano ano niya si Killian O'Brien? Alam kong may apo siya na kwento niya yon.- Tanong ni Joshua kala niyo si Joshua Garcia no?
-Wala pa ko kahibalo, Tay. Tanong ko.- Sagot ng anak ko, -Miapil ka ba sa usa ka interbyu sa usa ka Abogado?- Tanong ko, -Opo, sumali kayo Nay?- Sambit ni Raymond, at sa sagot kong hindi,
-Dami naman tutulong sa kanya, sa TV pa naman pinalabas.- Sabi ni Rhea, at sumang ayon kaming lahat.
-Tungkol saan ba?- Tanong ng dili alam kong asawa,
-I resolve daw parang aayusin yung kaso ni Grandpa Killian O'Brien, ano ang dahilan bakit siya namatay. Eh wala nag aasikaso sa pamilya niya kaya ang apo na lang na si Princess ang gagawa.- Sabi ng anak ko,
-Namatay na si Grandpa Killian?! 'Di ba Josh, siya yung may ari ng ano dati tapos tinulungan tayo sa trabaho nun?- Sambit ko ng nagulat rin at naalala ang nakaraan na hindi malaman na magtatagpo namin si Killian ulit ngunit ang apo na lang niya.
Tumingin si Joshua sa anak ko at sinabing, -Alam mo ba. He's my friend back then, I did not expect that he would be nice to me.-
At napa tanong si Raymond, -Galing mo Tay mag English, pano ka pala tinulungan ni Grandpa Killian?- at napa ngiting sambit ng masipag kong asawa.
-Tinulungan ako mag apply ng trabaho doon at nung nakapasok ako...bilang Electrical engineer ay walang hiya siya yung may ari ng Company.- Hindi niya makapaniwalang sinabi,
-Pano kayo una nagkita Tay?- Tanong ng matalino kong anak,
-Sa inuman...Tinulungan ako sa pag English nun.- Napatawa kaming lahat sa sagot niya.
-Rhea, sa Ireland kami nagkita ng Tatay mo...Raymond, alam mo napaka kulit nyan. Kaloka, nagpapapansin sakin. Kapag hinahanap ako grabe sumisigaw pa naandyan lang naman ako. Grabe boses.- Sambit ko,
Napatanong bigla si Rhea, -Nay edi ano ugali mo?- at sumagot ang Tatay niya. -Palaban yan, Matapang yang Nanay mo. Alam mo pareho na kayo. Pero- lumapit siya na ibubulong,
-Takot magkamali.- rinig ko pa kaya pinalo ko siya sa balikat at sinabing.
-Ako naman, takot kang ma judge. Oh wag mong sabihing mali ako.- Turo ko sa kanya at niyakap ako.
Narinig ko pa ang dalawa kong anak, -Ang harut, sobra sa lambing. Tay.- Sambit ni Raymond, -Kuya, Ganyan din kayo ng Girlfriend mo.- Patawang sinabi ng kanyang kapatid,
-Manahimik ka. Pareho kayo ni Raven- na putol ang sinabi ni Raymond ng tumahimik ang pamilya namin sa sinabi niya.
Magkahawak kami ng kamay ni Joshua at sinabi kong,
-Bisitahin natin bukas Josh, puntod ni bunso.- at sumang ayon ang aking asawa, -Kayo dalawa? Sumama na kayo.- Sabi niya.
Napa dahilan naman si Rhea, -Wag na po, Tay. Bukas na po mag perform sa birthday.- at sabay din sinabi ng Kuya niya, -Opo Nay, mag practice pa po kami. Samahan ko si Rhea.- at tila ba malungkot si Joshua pero tinanggap naman kahit alam naming malalaki na sila at paminsan minsan lang sila sumama, -Don't worry Nay, punta rin kami don.- Sambit ni Raymond.
Sana maisip pa rin nila na kahit minsan lang kaming pamilya magkasama ay mahal pa rin namin sila kahit hindi na kami buo.
-Taong 2016 = Buwan ng Marso 23-
-Page 3 - Prince sino ka ba sakin?-
Araw na ng handaan ng pitong taong gulang na si Matthew, at ito naghahanda mag kapatid lalo na si Rhea na gaganap. May unting kaba siyang nararamdaman, tapos mga alas otso ng umaga ay umalis na ang magulang nila papuntang Memorial park.
Naka suot ng pang alis ang kapatid ni Raymond at hinanda ang gamit na gagamitin, tapos gisingin niya ang Kuya sa kwarto.
Kumakatok tapos binuksan niya at nakitang naka talukbong sa kumot ang Kuya, "Ano ba to si Kuya, tanghali nanaman ang gising!" naisip niya, at tinanggal ang kumot.
-Kuya! Huy! Ma late na tayo, gising!- sigaw ni Rhea at ginagalaw upang gumising kaso wala.
-Kuya, Kuya Raymond, Huy! Gising!- Sabi ni Rhea at unti unti ay gumising ang Kuya niya naka dilat lang ang mata, tapos wala siyang pantaas na suot kasi mainit.
-Bakit? Anong oras na?- tanong niya, at sinagot ng kapatid na namamadali, -9am na uy! 10 ang start nun maganda kung maaga na tayo don, Kuya! Maligo ka na.-, at na gets naman ng Kuya.
-Dalhin mo itong bag at mag pa load ako sa labas.- dagdag niya at umalis si Rhea.
-Yung pinto... ano ba yan.- Sabi ng Kuya nang naiwan bukas ito, at bumangon na siya tapos pumunta sa kabinet para kumuha ng pang porma na damit.
At kinuha ang cellphone niya, "Anong klaseng alarm 'to, bakit dili ako nagising...Bad trip." Naisip niya, lumabas siya ng kwarto tapos sa labas ng bahay upang kunin ang towel.
Pinatong niya ang cellphone sa lamesa ng kusina nila, at diretso na siya sa banyo na nilock ang pinto at binuksan ang gripo.
Naka pikit pa rin si Raymond at inaantok pa, tinanggal niya ang suot niya at nag buhos na.
-Aaah ang lamig!- sigaw niya, habang naliligo sa kabilang panig ay ang babaeng lawyer na nagtrabaho sa law firms, at nag study ng law.
Nasa law office siya ngayon at bigla niya naisip na tawagan ang lalaking maituturing kaibigan, -Tapos na ko dito. May sasabihin ako kay Prince! Contact ko kaya siya gamit ito.- Sabi niya at hawak ang i.d ni Raymond at gusto niya tawagan ito.
*Calling...*Calling...*Ring *Ring...*Ring *Ring,
-Sagutin mo po please.- Sabi ni Princess, at sa kabilang panig ay sa bahay ni Raymond ang naka lock na pinto sa bahay nila ay may nag bubukas at nang makapasok ay dahan dahan itong pumunta sa kusina, ito ay isang lalaki naka coat at puting t-shirt sa loob na naka pants.
Narinig niya na naliligo pa rin si Raymond, at nang nasa kusina na siya ay 'di ba may tumatawag ay na deny niya ang call.
At tumawag ulit, ang number ay kilala ng lalaki nang buntong hininga siya at nagawa niya pang I open ang cellphone at na deny ang call ulit.
-May natawag! Rhea sagutin mo!- sigaw ng naliligo sa cr, at napatingin ang lalaki sa cr at na delete niya ang number ni Princess.
At ibinalik ang cellphone sa lamesa, tapos dali daling pumunta sa pinto ng bahay at narinig niya na bumubukas na ang pinto ng banyo,
-Rhea? Rhea! Bakit 'di ka nasagot, aba.- sigaw ni Raymond na galit na, at nang nakabukas na ang pinto ng lalaki ay ngumiti ito at sinabing,
-Ray...sana maligtas mo si Princess, ang tanga mo pa naman.- at lumabas na ito nang masara ang pinto at bigla itong na lock.
Tapos na buksan ang pinto sa cr naka towel si Raymond at na check ang cellphone niya na walang naka sulat na missed call?
-Kanina may natawag ah? Rhea! Naandyan ka ba?- tanong niya at nag tataka bakit wala.
At bumalik ulit sa banyo upang magsuot ng damit, tapos na buksan ulit ang pinto at nang narinig niya na tumatawag ang kapatid niya sa labas at ito ay kumakatok, pinag buksan ni Raymond ito at tinanong kung siya ba ay naka pasok sa bahay kanina,
-Aba hindi, pano ako maka pasok eh walang susi.- Sabi ni Rhea pero nag tataka ang Kuya niya kung ito ay lnagsisinungaling,
-Weh, sigurado ka? Wala akong tiwala. Huy Rhea pag hindi ikaw yon, edi may naka pasok sa bahay.- tinuro niyang sinabi.
-Edi wala kang tiwala ganyan ka naman, Kuya... Hala may magnanakaw! Check natin yung mga gamit!- sigaw ni Rhea at na check nila kung may nawawalang gamit sa bahay, pero wala naman.
Pagkatapos nun ay natakot silang sabihin ay magulang nila, -Wag mo sabihin kela Nanay, sabihin nun hindi natin binantay yung bahay.- Sabi ni Raymond nang sila'y naka sakay sa jeep.
-Oo na, uy Kuya wag mo kong isisi dyan.- Sambit ng kapatid na naiinis.
Mga alas 09:40am ay nakarating na sila sa bahay ng birthday celebrant.
Sa kabilang panig ay wala yung bodyguard ni Princess dahil may excuse ito na may birthday sa kanila, at nag duda siya kung bakit hindi nasagot ang mga tawag niya kay Prince.
-Grabe naman ayaw isagot...Baka busy, kung sana sinabi niya yon. Para ka lang dati Prince, absent ka pala wala tuloy ako naipasa na project nun kasi na sayo.-
Na kwento ni Princess at na flashback noong highschool sila mga 3rd year na kapag may pick your partner na groupings ay magkasama sila dahil nasa trio friendship ang kaibigan ni Princess, -Prince alam mo ba ang gagawin sabi ni Sir?- Tanong niya at medyo hindi matalino si Raymond sa academics.
-Hindi eh, ano ulit?- sagot niya at ngumiti lamang ito, at nasa harap nila ang mag partner din at isa dito ay si Marshall na humarap sa kanila.
-Huy Prince, 'di mo alam gagawin?- Sabi niya at with honors na matalino si Marshall may pogi points pa ito, -Malamang.- sagot ni Raymond at sinabi ng partner niya,
-Ganto, mag ano gawa ng statistic ilagay sa bondpaper. About sa dumadaming krimen noong 2008 at 2009, at explain bakit sa gantong year mataas ang krimen.- Paliwanag ni Princess sa partner niya pero nakapatong ang braso niya sa desk at parang matutulog ito pero imbis na ganon ay naka tingin lang siya.
"Partner sana ako sa tropa ko...pero okay na 'to para maka pasa din." Naisip ni Raymond,
-Nakikinig ka ba?- tanong ng partner niya at tumungo naman si Raymond.
-Prince, Kaya mo yan. Yieee sila na.- asar ni Marshall at tinangkang suntukin ni Raymond ito pero napatigil din.
-Umayos ka dyan Prince. Hindi kaya, ikaw ba anong ambag mo sa partner mo? Tingin lang?- Asar ulit ni Marshall at doon ay tinulak ito ni Raymond at natumba sa upuan ang classmate niyang ito.
Nang sa gayon ay tumigil na ito sa pang aasar, at napa kamot na lang sa ulo si Princess, -Stop it na, Marshall. Wag na nga kayo magulo puta.- inis na sabi ni Princess na buti umalis muna si Sir nun at hindi nakita ang awayan ng dalawa, nang sinabi iyon ni Princess at tumahimik si Raymond.
Bumalik na tayo sa future kung saan naalala ito ni Princess at tinakpan ang mukha dahil sa nakakahiyang pangyayari.
-Ano ba to si Prince talaga...haysst ito naman si Marshall ang pasimuno eh.- Sabi niya sa sarili ang tahimik din ng paligid, super lamig.
