Cherreads

Chapter 3 - Chapter 3

"Tita Precy, kailangan ko ng raket. O kahit anong activity na may kinalaman sa opisina ni Mayor," determinadong sabi ko habang nag-a-apply ng mascara sa harap ng maliit na salamin.

"Naku, hija, saktong-sakto! Naghahanap sila ng mga volunteer para sa 'Municipal Clean-Up and Social Awareness Drive' bukas sa plaza. Sabi ni Mayor Seb, kailangan daw ng mga kabataang magtuturo sa mga bata tungkol sa hygiene," sagot ni Tita habang nagwawalis.

Hygiene? Social Awareness? Perfect. It's time for the "City Girl with a Big Heart" trope.

Kinabukasan, hindi ako nag-dress. Nag-suot ako ng fitted na white shirt, denim shorts (na hindi naman sobrang ikli, para safe), at tinali ko ang buhok ko sa isang malinis na ponytail. Simple, pero "fresh."

Pagdating ko sa plaza, nandoon na si Mayor Sebastian. Busy siya sa pag-aayos ng mga silya. Nang makita niya ako, tumigil siya at binitawan ang hawak na monobloc.

"Ikaw na naman? Anong ginagawa mo rito? Wala kaming fashion show ngayon," bungad niya, pero napansin ko ang saglit na paghagod ng tingin niya sa simple kong suot. Aha! Sabi ko na nga ba, tinitignan mo rin ako.

"Actually, Mr. Mayor, I'm here to volunteer. Sabi kasi nila, kailangan niyo ng tulong para sa mga bata. And since I have a lot of free time... why not?" binigyan ko siya ng pinaka-sweet kong ngiti.

Tinitigan niya ako, parang tinitimbang kung seryoso ako. "Marunong ka bang mag-handle ng mga bata? Hindi ito pagpo-pose sa Instagram."

"Try me," hamon ko.

Ibinigay niya sa akin ang task: Magturo ng tamang paghuhugas ng kamay at paglilinis ng katawan sa isang grupo ng mga makukulit na bata.

Akala ko madali lang. Pero my god, ang kukulit nila! Takbuhan dito, sigawan doon.

Muntik na akong mawalan ng pasensya nang biglang lumapit si Sebastian. Nakasandal siya sa puno, pinapanood ako habang nakapamulsa.

Ang ngisi niya... parang sinasabing, "I told mo so."

Hindi ako papatalo.

Kinuha ko ang isang maliit na speaker. "Okay, kids! Sino ang gustong sumayaw?! Kung sino ang pinakamagaling, may prize sa akin!"

Nag-play ako ng isang upbeat na kanta.

Sumayaw ako—hindi 'yung pang-club, kundi 'yung energetic at fun na pang-bata. Nagtawanan ang mga bata at nagsimulang sumunod sa akin. Nakalimutan ko ang init, nakalimutan ko ang dumi. Actually, nage-enjoy ako.

Nang matapos ang kanta, hiningal ako at napatingin sa direksyon ni Sebastian. Wala na ang ngisi niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin, at sa pagkakataong ito, hindi ito tingin ng inis. Mas malalim ito.

"Not bad," sabi niya nang lumapit siya para abutan ako ng bote ng tubig.

"Thanks," kinuha ko ang tubig. "See? I'm not just a 'city girl' who can't do anything."

"I see that," maikli niyang sagot. Akmang aalis na siya nang biglang matapilok ang isang bata sa likod ko at tumumba sa putikan.

Mabilis akong lumapit at binuhat ang bata. "Hey, are you okay? Don't cry, it's just mud." Pinunasan ko ang mukha ng bata gamit ang sarili kong panyo, hindi iniintindi na nadumihan na rin ang puting shirt ko.

Naramdaman ko ang presensya ni Sebastian sa likod ko. Inalalayan niya ako sa pagtayo habang karga ko ang bata. Ang kamay niya ay nasa bewang ko—sandali lang, pero parang uminit ang buong katawan ko.

"Dalin natin siya sa clinic," mahinahong sabi niya.

Habang naglalakad kami, tahimik lang siya. Pero bago kami makarating sa clinic, huminto siya at tumingin sa akin.

"Your shirt is ruined," sabi niya.

"It's fine. It's just a shirt," sagot ko.

"You're different from what I expected," bulong niya, sapat lang para marinig ko. Pagkatapos ay naglakad na siya palayo para asikasuhin ang bata.

Napangiti ako.

Plan A was a success.

He's curious now. And a curious man is a man who's about to fall.

More Chapters