Cherreads

Chapter 4 - Chapter 4

"Hija, sigurado ka bang ayaw mo munang magpahinga? Kanina ka pa labas-pasok sa kusina," puna ni Tita Precy habang pinapanood akong mag-ayos ng sarili.

"I'm fine, Tita. I just need to return this," sagot ko habang iwinawagayway ang isang pamilyar na jacket.

Matapos ang insidente sa clinic kahapon, ipinahiram sa akin ni Sebastian ang suot niyang windbreaker dahil bakas na bakas ang dumi at basa sa puting shirt ko. At siyempre, hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito para makita siyang muli.

Hindi ko na kailangang mag-isip ng "raket." Siya na mismo ang nag-abot ng rason para magtagpo kami.

"Salamat sa jacket, Mayor," bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang reflection ko sa salamin.

Pagdating ko sa munisipyo, halos wala nang tao. Alas-sais na ng gabi at tanging ang ilaw na lang sa second floor—sa opisina ni Mayor—ang nakabukas.

"O, Miss Steph? Gabing-gabi na, ah? May kailangan ka kay Mayor?" tanong ni Mang Kanor, ang guard.

"I'll just return something, Kuya. Sandali lang ako," nakangiti kong paalam.

Paakyat pa lang ako ng hagdan, narinig ko na ang mahinang pagpapatugtog ng radyo mula sa loob. Kumatok ako nang tatlong beses.

"Pasok," tipid na sagot mula sa loob.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nandoon si Sebastian, nakasandal sa kanyang leather chair, nakapikit ang mga mata, at ang mga butones ng polo niya ay bahagyang nakabukas sa bandang itaas.

He looked... exhausted. Pero kahit pagod, ang lakas pa rin ng dating niya.

"Mayor," tawag ko.

Agad siyang nagmulat ng mata. Halatang nagulat siya nang makita ako. " What are you doing here this late?"

"Ibabalik ko lang 'to," sabi ko habang inilalapag ang jacket sa table niya.

"At... gusto ko lang magpasalamat ulit sa pagtulong sa akin kahapon."

Tinitigan niya ang jacket, bago muling tumingin sa akin.

"You could have returned that tomorrow. Masyadong mapanganib ang maglakad mag-isa sa dilim dito sa probinsya."

"Dangerous? Bakit, may aswang ba rito? O baka naman... ikaw ang dangerous?" biro ko sabay upo sa tapat niya, hindi hinihintay na alukin niya ako.

Hindi siya ngumiti, pero napansin ko ang bahagyang paggalaw ng labi niya.

"Mas matindi pa sa aswang ang mga tsismosa rito, Kapag nakita nilang nandito ka ng ganitong oras, baka bukas ay kasal na tayo sa balita nila."

"Really? Well, that doesn't sound too bad," banat ko habang tinititigan siya nang diretso sa mata.

Tila nabigla siya sa sinabi ko. Umiwas siya ng tingin at tumayo para ayusin ang mga papeles sa shelf sa likuran niya. Pero bago pa siya makalayo, biglang gumuhit ang isang matalim na kidlat, na sinundan ng malakas na kulog.

Boom!

Kasabay nito ang biglang pagbuhos ng napakalakas na ulan.

"Great. Just great," bulong ni Sebastian.

Sinubukan kong tumayo para tignan ang bintana, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, muling kumidlat nang malakas at biglang namatay ang lahat ng ilaw.

"Shit!" bulalas ko sa dilim. Reflxively, napahawak ako sa braso ng pinakamalapit na bagay sa akin.

Isang matigas na braso. Kay Sebastian.

"Stay still. Brownout lang," mahinahong sabi niya. Ramdam ko ang hininga niya sa malapit sa tenga ko.

Sa sobrang dilim, hindi ko makita ang mukha niya, pero ramdam na ramdam ko ang presensya niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa takot sa dilim o dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Mayor... Sebastian," mahina kong tawag.

"Hmm?"

"Takot ako sa dilim," pagsisinungaling ko. In reality, I love the dark—it hides the blush on my face.

Naramdaman ko ang paggalaw niya. Sa halip na lumayo, hinawakan niya ang balikat ko para alalayan ako.

"Don't worry. I'm here. Sandali lang 'to, mag-on din ang generator."

Habang hinihintay ang ilaw, nanatili kaming ganoon. Tahimik, tanging tunog lang ng ulan sa labas ang naririnig. Pero sa gitna ng kadiliman, naramdaman kong mas lalong lumalalim ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Steph," tawag niya sa pangalan ko. Hindi City Girl, hindi Miss. Steph ikalawa na to

"Bakit?"

"Bakit mo ba 'to ginagawa?" tanong niya, ang boses niya ay mababa at puno ng seryosong tono.

"The volunteering, the snacks, the returning of the jacket at this hour... what are you really after?"

Huminga ako nang malalim. This is it. No more games.

"Gusto mo ng honesty, Mayor?" humakbang ako palapit sa kanya, hanggang sa maramdaman ko ang dulo ng sapatos ko na tumatama sa kanya.

"I'm after you. Kasi mula nung sinalo mo ako sa plaza, ikaw na lang ang nakikita ko."

Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya. Sasagot na sana siya nang biglang...

Bzzzt!

Bumalik ang kuryente.

Nasilaw kami sa biglang liwanag. Agad siyang lumayo at tumikhim, inaayos ang kanyang gusot na polo. Ang mukha niya ay walang emosyon, pero ang mga mata niya ay tila may gustong sabihin na hindi niya mailabas.

"I'll ask Kuya Kanor to drive you home," sabi niya, bumalik sa pagiging professional. "Masyadong malakas ang ulan. Delikado."

"Sebastian—"

"Go home, Steph," putol niya sa akin. "Huwag mong hintayin na... magkamali ako."

Tinalikuran niya ako at bumalik sa kanyang table, pero bago ako lumabas ng pinto, lumingon ako. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao sa ilalim ng mesa.

Napangiti ako. He's affected. More than he's willing to admit.

Your walls are starting to crumble, Mr. Mayor.

At sisiguraduhin kong sa susunod na brownout, hindi lang braso mo ang mahahawakan ko.

More Chapters